Dear Papa

0 15
Avatar for Love_16
1 year ago

Pa, miss na kita sobra. Gusto kitang Makita, mayakap, marinig at makausap. Pa, inaaway nila prinsesa mo. Nung birthday ko, walang papa na 1 week ahead of time akong binabati at kinakantahan. Walang papa na mag me message ng happy birthday.

Miss na kita pa sobra. Marami akong problema at sakit na nararamdaman pero ako lang nakakaalam. Pa, alam kong masaya ka na sa heaven pero ang sakit pa rin sobra. Sorry pa sa mga pagkukulang ko bilang anak mo. Sorry pa.

Nung nagtirik ako ng kandila para sayo, na feel ko na may nakayakap sakin. Alam kong ikaw yun kasi malambing ka. Miss na miss na kita pa sobra. Sorry pa ha, di kita naalagaan at naasikaso ng maayos. Call center kasi ako that time. Tulog sa umaga kasi panggabi ang pasok ko.

Di na kita nakausap nung time na yun. Nasa huli talaga ang pagsisisi pa no? Nagsisisi ako sa mga pagkukulang ko sayo. Alam mo ba pa, gusto ko ng sumuko sa trabaho ko pero di pa pwede kasi nag aaral pa si bunso.

Simula nung nawala ka, di ko na alam kung paano ba maging okay. Miss na miss na kita pa. Ito yung masakit na part pag nawalan ng mahal sa buhay. Yung katotohanan na di na kita makikita, makakausap, mayayakap at maririnig.

Miss ko na rin yung mga away at tampuhan natin kasi nga ako daw yung girl version mo. Magkaugali tayo kaya di tayo magkasundo.

Salamat pa ha, kasi inalagaan mo kami hanggang sa pagtanda namin. Thank you pa kasi minahal, ginabayan at inarugabmo kaming magkakapatid. Isa ka ring mabuting asawa kay mama.

Dyan sa heaven, wala ng masakit sa'yo. Di ka na mahihirapan huminga. Bata ka na ulit. Malakas at malusog. Tapos na Ang paghihirap mo dito sa lupa kaya forever ka ng masaya dyan sa heaven.

Pa, wag kang mag alala. Kami na Ang bahala kay mama. Kami kami na rin ang magbabantay at mag aalaga sa isa't isa. Pa, ikaw na ang guardian angel namin. See you in heaven.

Love_16

October 27, 2022

Thursday

Sponsors of Love_16
empty
empty
empty

1
$ 0.00
Avatar for Love_16
1 year ago

Comments