Bossy Part 2

0 17
Avatar for Love_16
2 years ago

"Kabago bago nya pa lang ma attitude na."

"Kabago bago nya pa lang ang bossy na."

"Kabago bago nya lang akala nya kalebel nya na ang mga tao dito."

Ngayon malinaw na sakin ang lahat. Pagbago ka dapat oo ka lang ng oo. Dapat di ka nagrereklamo at bow down ka sa kanilang lahat. Kahit gaano kaganda ang performance mo sa trabaho, kung di ka nila feel, di ka marunong makiayon sa kanila o di ka nakiki bow sa kanila, Ikaw ang kawawa.

May mga biruan na akala mo okay lang sumagot ng pabiro na mali rin pala. Di ko sila ka level. Mas mataas sila at ako "bago lang". Nalulungkot ako sa totoo lang at nasasaktan kasi imbes na pagsabihan ako, sila pa mismo ang pinag uusapan ako sa harap ng iba kong katrabaho. Sila yung mas nakakataas sa akin pero sa iba ko pa nalaman na ganon na pala ang tingin nila sakin.

Dapat nga sanay na ako kasi noon pa man di na talaga nila ako tanggap. Lahat na ata ng masasakit na salita narinig ko na. Pati ang duruin at pandilatan ng mata pero hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako pag nararamdaman at nalalaman ko na ayaw nila sakin at napipilitan lang silang pakisamahan ako dahil katrabaho nila ako.

Nung nag aaral pa ako hanggang ngayon na may trabaho na ako yun naman ang laging problema sakin. Di naman yun nagbago. Ginagawa ko naman ang best ko na makisama pero di ko alam na lumalagpas na pala ako sa boundary.

Lagi namang na ko comment sakin na bossy daw ako. Yung way kasi ng pagsasalita ko at tono ng boses ko kahit di ko naman sinasadya ay ganon ang dating. Masyadong authoritative. Ni Minsan hindi ko naisip na ganon pala ang tingin nila sakin. Mabuti na lang at may nakapagsabi.

Mabuti na lang may nakarinig at naisip sabihin sakin. Nakaka three strikes na pala ako ng hindi ko alam. Sana kinausap man lang ako para alam ko ang mali ko hindi yung sinabi pa sa iba at may iba pang nakarinig. Pinag uusapan na pala nila ako ng hindi ko alam. Nakakahiya dahil marami na ang nakakaalam at nakarinig bago pa man ako.

Strike 1 - Nung nakipag usap ako sa isa ding head na di pala sya natuwa sa way ng pagsagot ko sa kanya. May nakarinig daw at nabastusan sa pagsagot ko.

Strike 2 - Yung mismong may hawak sakin ay di natuwa sa biruan. Di ko naman sinasadya pero yun pala ang dating ng pagkakasabi ko. Nag sorry naman ako pero napahiya ko daw sya at nasaktan sya kaya useless din ang sorry ko.

Strike 3 - Masyado daw akong nakikipag kumpetensya at nangunguna na hindi naman dapat. Nasaktan ako kasi akala ko efficient yung way ko ng pagtatrabaho hindi pala. Masama pala na inuunahan ko ang mga mas nauna sa akin.

Ngayon ibaba ako ng level para di na nila ako need I handle. Wala naman pala talagang shuffle na nagaganap pero ngayon meron na dahil nga "bossy", "ma attitude" at "feeling ka level ko na sila."

Ni minsan hindi ko hinangad na makipag kumpetensya. Ang gusto ko lang matapos ko kaagad ang trabaho dahil yun naman ang ipinunta sa trabaho ang kaso kailangan ko ring matutong makisama. Yun ang wala ako. Mabuti na lang naipaliwanag sakin at napagsabihan ako kahit papano.

Totoo naman yun na bago lang ako at marami pa akong hindi alam o natutunan kaya nga dapat matuto akong makisama. Kaso anong magagawa ko kung ganito na talaga ako magsalita. Pinipilit ko namang baguhin pero ganon pa rin.

Wala rin akong mga kaibigan. Sa totoo lang wala naman talagang may gusto sakin kahit sa family nga nararamdaman ko rin yun eh. Akala ko this time iba na at magbabago na pero mali ako dahil palang nauulit lang lagi. Umpisa na naman ako sa simula.

Iniisip ko na lang na di naman ako forever mag stay at magtatrabaho. Di naman ako forever na nandito. Lilipas din ang sakit. Lilipas din ang lungkot. Sa susunod iba naman. Tanggap ko na hanggang ganito na lang talaga at deserve ko ito dahil ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat.

Ako lagi ang may kasalanan. Ako ang may problema. Ako ang problema.

Love_16

June 23, 2022

Thursday

1
$ 0.66
$ 0.66 from @TheRandomRewarder
Avatar for Love_16
2 years ago

Comments