Adjust
"Hindi pwedeng mag adjust ang mga tao para sayo."
Kahapon nagising ako ng 6:00 a.m. dahil sa alarm. Onsite na kasi yung work ko since last week kaya need kong bumangon ng maaga para hindi na late sa 8:00 a.m. time in. Pagbaba ko sinabay ko na yung mga bihisan ko gaya ng uniform at body towel.
Pagbaba ko nakiusap ko kay mama kung pwedeng paki plantsa yung uniform ko. Late na kasi natuyo yung uniform ko dahil late na natapos ng mananahi yung pants. Ang Sabi ng mananahi punta daw ako ng 6:00 p.m. Pagdating ko ng 6 tinatahi pa kaya sinabihan ako ng mananahi na hintayin na raw. Maganda naman yung tahi, sakto din sa sukat ko. Ang problema lang ang tagal talaga nyang gawin.
Nung unang Sabi ko ng "ma, paplantsa ako", di sya sumagot kaya inulit ko. "Ma, paplantsa ako ha", nagalit sya at ang sagot nya sakin, "Di ako bingi narinig ko." Nahiya ako kasi nakikisuyo lang ako. Pag ako kasi ang nag plantsa mali late na ako. So ayun plinantsa naman ni mama.
Pagbaba ko kumain na ako at naghanda ng ibabaon sa school. Iniiwasan ko kasing gumastos dahil gusto kong mag ipon. Speaking of ipon, laging nagagalaw yung perang naitabi ko na dahil lagi akong nag aabono sa columbarium ni papa at may iba rin naman akong bayarin pa. Buti na lang talaga tapos na ako sa mga utang ko.
Bumaba na yung kuya ko mga 6:30 na tapos ako patapos ng kumain. Nagtanong sya "Ano ako na maunang maligo?" Ang sa isip ko dahil patapos na akong kumain, ako na. Tsaka di ako pwedeng maligo ng walang kain dahil sinisikmura ako. "Ako na muna patapos na akong kumain." Doon na sya nagalit sakin at nagsabi na "I-adjust mo rin ang oras mo. Hindi pwedeng mag adjust ang mga tao para sayo." Si mama naman nag second the motion. "Ang bagal mo kasi kumilos dapat sayo 5 pa lang gising na."
Pagkatapos ko maligo nag asikaso na ako para umalis ng bahay. Naglalakad lang ako mula sa bahay papunta sa terminal ng jeep papunta sa school. Bale 2 sakay talaga dapat pero dahil pwede namang lakarin, wala pa namang araw at wala akong bitbit na laptop kahapon, nilakad ko na lang. Sayang din ang 20 pesos ba pamasahe sa tricycle. Ngayong May trabaho na ako, every peso counts na ang peg ko.
Ngayong umaga ganon na naman. Mabilis kasi ako magising sa mga ingay gaya ng kaluskos or pag may nag uusap na medyo malakas. Kaya rin ako may panda eyes dahil di ako nakakatulog ng maayos sa gabi. Hindi ako onsite today so ini expect ko na magigising ako ng 7 or 7:30 yung usual na gising ko talaga. Naka off din kasi yung alarm ko for today.
Nagising ako kasi may naglalakad, kaninang 6:20 lang. Nakisuyo pa ako na papatay ng ilaw. Si mama pala yung umakyat tapos naglilitanya sya ang agaaga. Nanenermon tapos may hinahanap daw si kuya na di Makita ni kuya. Meron kasi syang telang panlagay sa braso tapos di daw makita. Ako Yung nagsampay kaya tinanong ako. Sabi ko di ko alam kung nasaan baka nandun sa mga tiklupin. Nagsasalita sya habang naghahanap at may kung ano ano syang nasasabi. Tahimik lang ako pag pinagagalitan nila. Di ako sumasagot kasi kahit naman sumagot ako, ako pa rin ang mali.
So ayun nga 2 days ng hindi maganda ang start ng araw ko pero ayos lang kasi wala naman akong mapapala kung sasama ang loob ko. Natuto na rin akong hindi magkwento sa iba dahil pag nag kwento ako sa mga kapatid ko, sermon din ang abot ko. Wala rin naman akong kaibigan na pwedeng pagkwentuhan ng mga ganito kaya buti na lang may read cash. Tsaka sanay naman ako na sinosolo ang lahat. Ako lang rin kasi ang napapasama pag nagkwento ako sa iba.
Lately nga na realize ko kung gaano ako ka dependent dahil need ko lagi ng kasama, this time magsosolo naman ako. Para solong gastos lang din.
Isa pang kinaiinisan ko ay ako pa yung need na magtiklop, maghugas at magsampay. Lalo na dahil weekend maglaba si mama. Sumasama yung loob ko dahil may trabaho din ako at gusto ko ring magpahinga pero paano naman ako magpapahinga kung pati weekend kailangan kong gumawa ng gawaing bahay. Yung iba kong kapatid na may trabaho di naman nila yun ginagawa kasi ang dapat na gumawa nun ay yung mga estudyante. Alam kong pagod din sila pero sana naman tumulong din sila dito sa bahay. Ang nangyari kasi ako pa rin tsaka si mama eh.
Ito yung matagal ko ng na voice out pero ganon pa rin. Ngayon nga kukunin ko mga damit ko sa sampayan at titiklupin ko para di na kasama ang mga damit ko sa tiklupin dito sa bahay. Ngayon na mo motivate na naman akong magbukod ng bahay. Need lang talaga mag ipon. Dapat pala pag nag ipon di alam ng pamilya para wala silang nakikita, naaasahan at nasasabi.
Love_16
April 26, 2022
Tuesday
Ganon talaga ang mga nanay,madalas nag tatalak,hehe,tulad ko,pero alam ko,she just care for you kaya ganon sya kaingay sayo. Ikaw na lang siguro mag adjust para sa kanya.