Likas sa ating mga Pilipino ang pagkain ng mga minatamis at pagluluto ng mga iba't ibang pagkaing kakanin kagay ng puto, kutsinta, pitchie pitchi at iba pa. Hindi lamang sa mga karatig probinsya at sa ibang rural na lugar, mas madami na rin ang gumagawa ng mga ganyang pagkain dito sa Maynila. Ito ay isa lamang libangan ng ilan, subalit karamihan ay naisipan itong gawing negosyo, lalo na sa mga panahong ito ng pandemya.
Isang pamilyang malapit sa akin ang nagsimulang mag negosyo buhat nang mag lock sa kamaynilaan. Volleyball coach ko sya nung ako'y High school pa lang at yan na ang kanyang trabaho hanggang ngayon. Nangamba ang kanyang pamilya na dahil sarado ang mga paaralan, ay lubos na maapektuhaan nag kanyang trabaho. Kung kaya naisipan ng kanyang asawa na magbenta ng kanyang mga lutuing pang meryenda na sa tuwing may handaan lamang sa knila namin natitikman.
Tunay na masarap nga naman ang kanyang mga puto at kutsinta. Lalo na ang kanyang biko espesyal at leche flan. Nasubukan kong mag order ng kaunti para lamang sa aming pang meryenda. At hindi nagtagal ay nagpa order na din sila sa knilang mga kapitbahay at mga kakilala. Ito na din ang kanilang ikinabubuhay sa ngayon. Dahil bawal ang mga training ng sports kagaya ng volleybal, ay wala ding kita nag aking coach. Mabuti na lamang at masarap magluto ng biko, puto at iba pang kakanina ang kanyang may bahay. Natutuwa ako na nkakaraos na sila kasama ng kanyang apat na mga anak.
Hindi ko nahiligan ang kumain nang kakanin. Pero nung natikaman ko ang best seller nyang biko at pitchi pitchi, napa 'WOW' ako sa sarap. Pwede nyo ding subukan. Hindi kayo magsisisi. Masarap talaga at nakatulong pa kayo sa kapwa. Yan ang meryendang naging pangkabuhayan na nila ngayon.
Minsan talaga may mga exemption sa mga hindi natin hilig tulad ng pagkain. Ang totoo ay wala talaga yan sa pagkain kundi nasa nagluluto at pagluluto. Minsan pa nga kahit ayaw mo pa talaga ay gugustuhin mo pa ring kainin dahil nga luto ito ng taong mahal mo gaya na lamang ng asawa, nanay, o anak mo. Pero meron naman talagang mga taong biniyayaan ng husay sa pagluluto kung kayat nakukuha nila ang panlasa natin.
Natutuwa ako sa iyong unang article. Marami pong makakrelate dito lalo na po ang mga kapwa nating Pilipino. Welcome po sa platform! And nawa'y makapagsulat ka pa ng marami tungkol sa kahit anong bagay.
Isang tip: Bago matapos ang araw mo, pwede mong ikwento ang mga nangyari at mga di mo malilimutang karanasan. Pwede mo itong maging diary. Ang totoo po kasi mahirap kung ito ay gagwin mong trabaho dahil mawawalan ka ng isusulat. Pero kung tungkol ito sa'yo at iyong mga karansan, paniguradong mawiwili ka rito.
Do not treat this platform as a job opportunity. Think of it as an avenue for you to express your thoughts and share your life experiences. God bless po and good luck!
Please read this https://read.cash/@Jim/tips-on-how-to-earn-money-in-readcash-a-must-read-e53cd3e0 and write your comments. Thank you :)