Join 81,798 users already on read.cash

True love O Fake love

4 7
Avatar for Lorah
Written by   15
2 months ago
Topics: Love, True love
October 29,2021
6:40pm pilipinas
#Article3

Ano nga ba ang pagkakaiba o deperensya ng fake love at true love.?

Ang pagpasok sa isang relasyon toxic yan kapag napunta ka sa maling tao sa pekeng pag-ibig. Para makapasok ka k makabuo ng isang long lasting relationship kinakailangan ng totoong pagmamahal we need to avoid the toxic one and maling tao.

Ito ang ilang signs na maibabahagi ko sainyo na base din ito sa experience ko sa fake love and true love na dapat alam mo.

1. Truel love make sacrifices

Ang true love ay selfless,hindi naman aabot sa point na kakalimutan niya sarili niya,pero mas minimakesure ng taong ito na mas napapasaya niya ang kanyang partner o karelasyon. Gumagawa siya ng malaking sarifices just to make sure someone truly happy.

Fake love is only concern of itself.

Hindi katulad ng fake love sarili niya lang iniisip niya. Yung pabor lagi sakanya ang nasusunod and she/he only care for itself.

2.Truth vs. Lies

Ang true love mas comportable sila sa honest conversation kahit minsan masakit na, kahit minsan nakakaoffend pero honest yan kung mag usap. Meaning wala kayong tinatago sa isat isa meaning wala kayong insecurities,duda sa relayon niyom

Ang fake love ramdam na ramdam mo ang dami niyang nililihim sayo,minsan ang tagal niyo na hindi pa siya kilala ng lubusan. At mararamdaman mo naman yan na parang yung taong karelasyon mo is still a stranger para sayo.

3.True love is kind

Ang true love malaki ang puso niyan ipaparamdam niya sayo ang pagmamahal ,pangunawa at pagaalaga niya sayo.

Fake love is cruel

Ang fake love heartless yan wala yang pakialam kung nasasaktan ka niya. At bibigyan ka madalas ng sama ng loob.

4.True love is patience

Ang pagmamahal na totoo mahaba ang pasensya,mabilis ka niyang intindihin sa mga pagkukulang mo, and pagkakamali mo. Bibigyan ka niya ng chance na mas maging better doon sa dating ikaw.

Fake love is short-tempered

Ang fake love kabaliktaran kung gaano kahaba ang pasemsya ng totoong nagmamahal ganun kaikli ang pasensya ng fake love. Mabilis siyang magalit at hindi kapa nakakaexplain jinujudge ka na niya so wala kang chance mag explain wala siyang oras pakinggan explanation mo.

5. True love is Humble

Ang totoong nagmamahal mapagkumbaba yan binibigay niya credit sa iba kesa sa sarili niya. At inaamin niya din ang kasalanan niya kapag may nagawa siyang mali. Minsan siya pa ang gumagawa ng way para magkaayos kayo at maging ok hindi niya hahayaan na lumipas ang araw na magkagalit kayo.

Fake love is proud

Ang fake love madalas aagawan ka niyan igagrab niya lahat. "Hindi akin ito,kaya ka lang naman nakarating jan dahil sa akin.kaya ka lang nagkaroon niyan dahil sa akin."

Masyado siyang proud sa sarili niya at hindi siya aamin ng mga pagkakamali niya. Bagkus ibabato niya sayo lahat ito.

6. True love feels fulfilled

Ito yung tipo pag true love satisfied kayo doon sa maliliit na bagay na pinagsasaluhan niyo. Kung ano meron kayo yung moment na meron kayo ineenjoy niyo yun. Mabilis kayo makontento wala kayong hinahanap sa isat isa kasi mahal at masaya kayong dalawa.

Fake love is empty

Pero ang fake love empty yan yung tipong kahit anong ginawa mona kulang parin palaging hindi sapat. Kahit na ano pang pagbabago sa relasyon niyo palaging empty, unsatisfied. Pagod na pagod kana pero pakiramdam niya wala kang ginawa para sa kanya that is fake love.

7.True love protects

Ang true love sasaktan ka niyan pero hindi ka niya pababayaan na masaktan ng mahabang panahon. Palagi kang didipensahan niyan at poporotektahan sa kahit anung bagay na pwedeng mkahadlang sa pagrow ng relationship niyo.

Fake love Hurts

Ang fake love sa umpisa lng masaya,kasi ang totoong nagmamahal habang tumatagal ang relasyon nagiging mas matibay kayo yung foundation.,habang tumatagal mas nagiging masarap, mas nag gogrow kayo nas nagkakaintindihan.

Ang fake love opposite yan mas nakikita mo yung worst na nangyari sainyo. Na kapag nagimagine ka ng masasayang bagay sainyong dalawa ay wala kang maalala sa kanya mas tumatak yung masasakit. At habang tumatagal it will give you a toxic relationship na pweding makasira ng iyong pagkatao.

Sponsors of Lorah
empty
empty
empty

Feeling proud to be part of this wonderful platform and also proud of my sponsors thank you so much...

Ending...

Ang true love can last forever hindi lang sa aspeto ng physical o material na bagay kundi kahit na malayo kayo sa isat isa mananatili ang pagibig. Malaki yung sakripisyo para lang mapagpatuloy ang pagmamahalan.

Thank you so much guys for reading my article..I hope nakapulutan niyo ito ng aral at magsilbing gabay... Make sure to leave a comment down below at kung nagustohan niyo itong article ko pa like and subscribe thank you

-Lorah

3
$ 0.15
$ 0.10 from @ibelieveistorya
$ 0.03 from @Sweetiepie
$ 0.02 from @BCH_LOVER
Avatar for Lorah
Written by   15
2 months ago
Topics: Love, True love
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ganda nito madami akong natutunan, at lahat nagustohan ko dahil naexperience ko din po yan.. siguro sa akin true love ang nararamdaman sa akin ng mahal ko kasi lahat ng sinabi mo ay naramdaman ko sakanya..sakanya lang..

$ 0.00
2 months ago

Andami ko na naman natutunan sa larangan ng pag ibig hehehe basta ang alam ko nagmahal lang ako, maling tao man o maling landas God na ang bahala 🥰

$ 0.00
2 months ago

Oo sis.. peeo mahalagang matutunan parin natin mga yan para hindi nman tayo laging agrabyado hehehe lalo na kung totoo pag mamahal na binibgay.. maswerte na lang tayo kung yung napili nating mahalin ay mahalin din tayo ng totoo..

$ 0.00
2 months ago

Siguro sure nako sa napili ko hahahaha, bahala na si bagman 😂😂😂 atleast nagmahal ako ayiee

$ 0.00
2 months ago