My sunday

1 26
Avatar for Lorah
Written by
2 years ago
Topics: My Sunday, My life, Love

Kumusta kayo ngayon lang po ulit nakapagsulat sobrang busy talaga po ako minsan. At minsan wala ding napasok na idea sa aking isipan kapag nagbubukas ako ng readcash puro basa lang ako dito ng mga articles niyo.

Anyways happy monday sa lahat..ngayon sana ang araw na dadalawin natin mga mahal natin sa buhay na namayapa na kaso dahil sa pandemic ay ipagpaliban nalang muna..pero ako nong may pagkakataon ay nabisita ko naman sila.

Kahapon maaga palang ay gising na ako at pumunta na akong palengke para bumili ng pagkain. Dahil darating si mahal sa aming dalawa mas gusto namin na dito mag hangout kapag wala siyang trabho dito sa bahay namin. Kaya siyantalaga ang pumupunta sa akin. Hindi na nga ako nkapag text sakanyan na aalis ako at mamalengke. Mabilisan lang ang palengke ko dahil mga 8am ay darating na siya. Hindi nga ako nagkamali dahil naunahan niya ako makauwi. Nong makauwi ako ay talagang natuwa ako na makita ko siya kahit every week naman nagkikita kami ay lagi parin akong excited kapag kasama ko siya...Nagluto ako agad ng agahan para sa aking mahal,hehehhe yung paborito niyang luto ko pansit bato..

Madali lang nman siyang lutuin kaya after 30minutes ay naserve ko na sa kanila.. Masaya kaming kumakain ng mahal ko habang kinakamusta ko siya sobrang daldal niya habang kumakain kahit may laman pa ang bibig. Tapos nagtititigan kami at sobrang kinikilig ako kapag tinititigan niya ako hehehe..

After namin magalmusal ay hindi naman tamad ang aking mahal sabi niya siya na maghuhugas ng pinagkainan namin sabi ko cge kasi paliliguan ko din mga bata para presko sila habang nanonood ng tv. At pagkatapos ay my time kami pang mag usap ni mahal habang nagpapalipas ng oras. Kasi bandang 10am ay magluluto na uli ako ng pagkain pananghalian...

Yan na nga bandang 10am ay nagluluto nako paborito nila yan na adobo ,si mahal ko ay madami siyang nakakain kapag yan ang luto ko. Yan din gusto ko sakanya naapreciate niya lahat ng ginagawa ko. Tapos tinutulungan niya ako, hindi niya hinahayaan na magkaproblema kami.

Mga 11am ay tapos na akong makapagluto at 11:30 am ay kakain na kami.. una mona namin pinakakain mga bata at sunod kaming dalawa para bwelo at magkaron din ng time magusap habang kumakain. Kapag kami magkasama pakiramdam ko athome ako sakanya kung pwede nga lang wag na siyang umuwi gusto ko dito nalang siya para palagi ko siyang kasama at kausap.

Nong matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami bago maligo at patutulogin din namin yung mga bulinggit para magkaron din kami ng lab time hehe . Nong makatulog na ang mga baby ay ako naman ang pinatutulog ni mahal.. hahaha pero sympre gusto ko matulog din siya kaya sabay nalang kami. Kaso pagising namin mga 3:30pm ay nalungkot ako kasi ang bilis ng oras at mga 5am uuwi na siya.. sobrang bilis ng oras kapag kasama ko siya. Feeling ko 2hours lang siya nag stay sa akin.

Ending..

Masaya ang aking sunday kahapon dahil kasama ko ang mahal ko at nkapagusap at bonding kami.. sana palaging ganun kami walang away at tampuhan..at sana lagi ding healthy ang mahal ko..

Sponsors of Lorah
empty
empty
empty

Salamat po sa aking sponsors...godbless po lagi sainyo..

Salamat din saiyong pagbabasa...

-Lorah

3
$ 0.12
$ 0.10 from @Eunoia
$ 0.02 from @Sweetiepie
Avatar for Lorah
Written by
2 years ago
Topics: My Sunday, My life, Love

Comments

Ganon talaga ang oras kapag nag eenjoy ka ngmamadali din xa ang daya nia hahaha

$ 0.00
2 years ago