Itim at Puting Mahika
Totoo ba talaga ang itim na mahika? Nagkita kami kahapon ng isa sa aking matalik na kaibigan nung high school. Last month, namatay ang asawa nya dahil sa high blood. Bago nyan, sa loob ng 3 taon ng pagsasama nila, ikaapat na beses syang nakunan. Pareho naman silang malusog ng kanyang asawa. Kamakailan lang nya nalaman na pitong tao ang may inggit, sama ng loob at nagpakulam sa kanila. May mga tao talagang masama ang budhi.
Kung may maitim na mahika, mayroon ding puting mahika. Sila ang mga taong pinapagaling ang mga may sakit o kinulam sa pamamagitan ng pagdasal o sa pamamagitan na kanilang mga "abyan." Ang mga "abyan" sa amin ay mga engkantong gustong tumulong sa mga tao. Pwede ding "abyan" ang mga Santo. May isang kakilala ang aking mama na ang "abyan" ay si Sto. Niño.
Alam kong sensitibo ang topic na ito dahil maraming relihiyon ang hindi naniniwala dito at sinasabing kampon ng kadiliman ang sinumang nagpapraktis at naniniwala dito.
Noon, hindi ako naniniwala sa mga itim at puting mahika. Sa daming beses kong naranasan at nakita, napaniwala na rin ako. Pero kahit naniniwala ako sa mahika, mas malaki pa rin ang paniniwala ko na sa taimtim na pagdasal at taimtim na paniniwala sa Panginoon, malalabanan mo ang itim na mahika at mga taong may masasamang balak.
Mahika pala ang tawag don at totoo pala yon hehe akala ko mga nag papa galing lang ang totoomay masasama rin pala.