Mama

0 8
Avatar for Lleon26
3 years ago

Hello po sa inyong lahat. Ako po ay baguhan lang dito sa read.cash, salamat sa pinsan ko nakarating ako dito hehe

Dahil namimiss ko na ang mama ko, at nalalapit na ang anibersaryo niya, gusto ko lang ibahagi ang ginawa kong tula para sa kanya.

"Wala ka man sa aming piling,

Alaala mo'y nandirito pa rin,

Di mawawala sa puso't isip namin,

Di magsasawang ikaw ay mahalin.

Limang taon mula ng ika'y mawala,

Andirito pa rin ang lungkot at sakit,

Kumpleto kami nung nandito ka,

Kulang kami mula ng nawala ka.

Salamat sa pagmamahal na iyong pinadama,

Sa mga yakap at halik na may paglalambing,

Hihintayin ko na lamang na ito'y dumating,

Hanggang sa tayo'y muling pagtagpuin.

Mahal kita Mama,

Wala ng mas hihigit pa,

Ikaw lang wala ng iba,

Ikaw lang Mama, Nag iisang Ina."

Para po sa lahat ng mga anak, huwag po sana tayong magsasawang mahalin ang ating mga Ina, habang nasa tabi niyo po sila, huwag po kayong makakalimot na sabihan sila lagi na Mahal niyo sila. Tulungan po natin sila kung sila man ay nahihirapan na at palagi po sana ninyong pasayahin ang inyong mga Ina. Simpleng pasasalamat at salitang Mahal Kita Mama/Nanay/Mommy, mapapasaya na po sila.

Para sa mama ko, wag po kayong mag alala samin magkapatid, okay lang po kami, mahirap po dahil wala ka, pero kakayanin namin, andito ka po lagi sa isip at puso namin. Mahal na mahal ka namin Mama 😘

Salamat po sa mga makakabasa nito. Ingat po tayong lahat at pagpalain πŸ˜‡

1
$ 0.00

Comments

Bagohan here din hehehe laban sa next article hehhee welcome po sa world of writing hehhee

$ 0.00
3 years ago

Nyahahahaha Goodluck sakin hahaha ang gaganda ng mga article mo, nakakainspire 😍😍 laban lang hehe πŸ™πŸ’ͺπŸ’ͺ

$ 0.00
3 years ago

Laban lang hahhaha

$ 0.00
3 years ago

dahil bago dito . accepted ko ung article mo 😊 i hope in your next article in will be more interesting topic. add some pictures too. anyway i do love my mom also no one can ever replace them.

$ 0.00
3 years ago

Hehehe thank you po sa pag accept.. Yes po, pag iisipan ko next ko ipopost. 😊 Salamat po ulit. God Bless πŸ™πŸ˜‡

$ 0.00
3 years ago