read.cash Log in
L@LittleSister more from that month

Hala natapon ko yung mais. May pupulutin nanaman ako. Sayang eh. Yung white corn tawag namin dito (native or netib) parang malagkit po siya. Masarap na gawin kanin yan pag pinagiling. Dito saamin ginagawa din namin yang (cornick) na asin at bawang lang rekado. Una po nilalaga namin siya hanggang lumambot or mag puff siya. Saka namin papatuyuan sa araw. Pag tuyo na siya ready na yung mantika at kawali saka bawang. Pag mainit na yung mantika at nagbrown na yung bawang saka naman namin ilalagay yung white corn na nilaga at pinatuyo sa araw. Lagyan ng asin. Hanggang sa medyo mag crispy or kahit hindi na. Masarap na yun lalo sa gabi habang nanonood ng tv. Iba po native namin dito. Ang binhi namin ay sariling tanim pa namin. Iba po kasi yung nabibili na white corn na binhi ngayon. Matigas po siya at hindi matamis. Good evening po. #Photography

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.