Kutsinta Recipe

2 18
Avatar for Lira
Written by
4 years ago

Kutsinta Recipe

Ingrediens:

1 cup all purpose flour
1 cup brown sugar
2 cups of water
1 tbsp annatto seeds (para sa kulay)
1 tsp lye water
2-3 tbsp powdered milk (optional)

Toppings:
Grated coconut / grated cheese /yema

Procedure:

1. Ihanda yung mga molders natin, pahiran natin ng onting oil yung molder para hindi tayo mahirapan magtanggal ng kutsinta natin mamaya. Then set aside muna natin yung molders.

2. Lalagyan natin ng 2 tbsp of water yung annatto seeds natin, haluin ito hanggang lumabas ang kulay.

3. Imix na natin yung ating mga ingredients, all purpose flour, brown sugar, water, then yung 2 tbsp ng water na pinaglagyan natin ng annatto seeds kanina, lye water at ang ating powdered milk kung meron man.

4. Ihanda na ang ating steamer, magpakulo muna ng 1 liter water at hintayin itong kumulo. Habang hinihintay ang pagkulo ng tubig ay ilagay na natin ang ating kutsinta mixture sa ating mga molders.

5. After na kumulo na ang tubig, ilagay na ang ating kutsinta at isteam ito ng 15 to 20 mins at wag kalimutang iwrap ng clean cloth yung takip ng ating steamer para hindi matuluan ng tubig ang ating kutsinta.

6. Tanggalin na sa molder ang ating kutsinta at ilagay na yung toppings na inihanda natin..

Pwede po ito pangmeryenda at pangnegosyo. Napakadaling gawin kaya try nyo na. ✨


Gawa ko po mismo yung pic sa baba⬇️

4
$ 0.00
Avatar for Lira
Written by
4 years ago

Comments