CHOCOLATE MOIST CAKE
(without oven)
Chocolate Cake Batter:
3 cups cake flour
1 1/2 cup White Sugar
2/3 Cup Vegetable oil
1 cup Cocoa powder
2 1/4 cups Water
2 large eggs
4 tsp Baking powder
2 tsp Coffee
1 tsp Salt
2 tsp Vanilla
Chocolate Syrup
3/4 cup Cocoa powder
1 can Evaporated Milk 370 ml
1 1/4 cup White Sugar
3 tbsp Flour
1/2 cup Water
3 tbsp butter
1 tsp instant coffee
Toppings:
Chocolate kisses/Springkels (or any toppings na gusto nyo)
Procedure:
1. Salain muna yung mga dry ingredient para maiwasan magkaroon ng buo-buo. Unahin ang cake flour, then cocoa powder, nxt yung white sugar. Then imix lang lahat ng ingredients.
2. Ilagay na yung coffee powder, asin, baking powder, vanilla, vegetable oil, water, vegetable oil at eggs. I mix lang ng mabuti.
3. Next step ay ihahanda na natin yung paglalagyan ng ating mixture, ang ginamit ko sakin ay lanera. Lagyan muna natin ng lard yung lanera para madaling tanggalin yung cake natin after maluto. Kung walang lard, pwedeng pahiran ng oil yung bawat lanera at lagyan ng harina. Then pag okay na lahat, ilagay na natin yung mixture naten sa lanera.
4. Lagyan natin ng aluminum foil yung kada lanera para matakpan naten yung mixture. Then i steam na naten sya ng 40 mins.
5. Habang nakasalang yung chocolate moist cake natin, gagawin natin yung chocolate syrup. Paghahaluin lang natin lahat ng ingredients natin sa chocolate syrup, then paiinitan na natin sa kalan para dun na totally mamix ang ating mga ingredients.
6. Pag okay na yung cake natin, tanggalin na sa lanera at ilagay na sa microwave plastic container or sa iba nyo pang gustong paglagyan. Then lagyan na natin ng syrup don then lagyan ng toppings.
Gawa ko po mismo yung picture na nasa baba⬇️ Pwede nyo din po itong pang negosyo! 💙