Ballroom

0 37
Avatar for Lira
Written by
4 years ago

Ballroom: Ano sa tingin nyo ang kahalagahan ng ballroom dancing sa ating mga buhay? Sa kasalukuyang panahon paano ito nakakatulong?

Para sa akin malaki ang kahalagahan ng ballroom sapagkat ito ay isang uri ng sayaw na naging parte na ng ating komunidad. Maraming mga tao ang sumasayaw nito lalo na kapag may okasyon, ito rin ay maaaring maging pampalipas oras o ehersisyo sa araw-araw. Ang pagsasayaw ng ballroom ay nagiging instrumento din ng mga sumasayaw nito upang ipahayag ang kanilang nararamdaman. Nakatutulong din ito upang maging payapa ang isipan at mawala ang problema ng isang tao. Bukod pa dito, nadedebelop din nito ang kakayahan nating makipagkapwa tao at napapalakas nito ang kumpiyansa natin sa ating sarili.

Hanggang sa kasalukuyang panahon ang pagsasayaw ng ballroom ay hindi nawala sa ating kasaysayan, kadalasan pa rin itong nagiging libangan at ginagamit na panghasa ng talentong tinataglay ng isang tao. Lalo na ngayong nakararanas tayo ng isang pandemya, kinakailangan nating magkaroon ng pampalipas oras at mga bagay na pagtutuunan ng pansin, maaari tayong matulungan ng ballroom sa pamamagitan ng pagsasayaw nito. Maaaliw tayo nito at matutulungan na maging malusog ang pangangatawan upang malayo tayo sa anumang uri ng sakit.

6
$ 0.00

Comments