Confession of My Crush

0 9
Avatar for Ligaya19
2 years ago

Habang busy ako sa pag notes sa notebook ko kinalabit ako ni Kristine..

"Ano?" bored na tanong ko sakanya.

"Truth or Dare tayo" nakangising sabi nito.

"Eh? Ayoko may ginagawa ako" inis na sabi ko sakanya.

"Sige na... oy guys ang kj ni Athena" sabi nito sa mga kaibigan namin.

"Oo nga, sumali kana!" sigaw ni Jacob.

"Dali na Athena!" sigaw naman ni Marielle.

I rolled my eyes. "Okay fine"

"Yownn!" masayang sabi ni Kristine. Mukha talagang may binabalak. "Pero... sali natin si Chester" nakangising sabi nito.

Nanlaki ang mata ko at umiling. "Hoy ano ba kayo nag no-notes nga ako dito, kayo nalang"

"Aysusss! wala ng bawian yannn!" sigaw ni Marco.

Talagang ako ang napag tripan ng mga lecheng to.

Pumayag nalang ako dahil hindi sila matitigil hanggat hindi ako kasali.

Dumating nga si Chester. Tahimik lang ako dahil nahihiya ako sakanya. Syempre crush ko siya at hehe syempre.. enebe nakakakilig nakatingin siya sakin.

"Hoy Athena ikaw na!" napaigtad ako ng tinawag ako ni Kristine. Nasaakin na pala nakatutok yung bote.

Napakamot ulo ako. "Truth" sabi ko sa mga ito.

Ngumisi si Kristine. "Ako mag tatanong!" sabi nito saka humarap saakin. "Who among this guys you found attractive? or na-attract ka agad pag nakikita mo?"

Sh*t sabi na eh trap ito.

"Truth ang sasabihin ha, TRUTH." diniinan pa ni Marielle ang last na word.

Ngumuso ako.. tinuturo si Chester. "A-ayon.."

"Sino?" kunyaring naguguluhang tanong ni Marco.

"S-si.. a-alam niyo na"

"Sabihin muna! ano ba yan!" sabi naman ni Jacob.

"S-si Chester" bulong ko saka sila nag sigawan.

"Ayown! name drop kase Athena hindi yung ngunguso ka diyan, kiss kita eh" biro ni Marco kaya pinandilatan ko siya kahit namumula na ang mukha ko.

Sa sumunod.. saktong si Chester ang sunod na tatanungin.

"Truth or Dare?" tanong sakanya ni Jacob.

"Truth"

"Yown!" masayang sabi ni Kristine.

"Ako naman mag tatanong.." sabi ni Marielle kaya hinayaan namin siya. "Same question as Kristine. Who among this girls you found attractive and why?" Tanong nito.

Napayuko ako. Sure naman akong isa sakanila iyon at hindi ako.

"It's Athena.." biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nito. "I not just found her attractive but i actually like her.."

Parang tumigil ang mundo ko. Ni hindi kuna ata narinig ang sigawan ng mga kaibigan ko. Tanging nakikita ko lang ay si Chester.. at tanging pintig ng puso ko lang ang naririnig ko.

#oneshots stories

2
$ 0.00
Avatar for Ligaya19
2 years ago

Comments