"Buhay Namin sa Probinsya Noon"

2 46
Avatar for Leny-ynel
3 years ago
Topics: Life, Story

Nais Ko Lang Ikwento Anong Aking Kanaranasan noon,

Simulan Ko Ang Aking Kwento Nuong 13 taong Gulang Palang ko .Nakatira Kami Sa bundok Dati ,sa Lugar Ng Leyte walang Kuryente Malayo Kami Sa Baryo .Maglalakad Kapa Ng Halos (2)dalAwang oras Bago Makarating Sa Baryo.

Hanap Buhay Namin Nuon Ay Yung Abaca ,lagi Kami Sumasama Sa Papa Namin Manguha Ng Abaca Dati Grabi subrang Hirap ,ang Layo Pa Ng Nilalakad Namin .kasama Ang Dalawa ko Pang Kapatid ,Umaalis Kami Ng Umaga Uwi Kami Ng Hapon Kasi Nga MalayO Nag bababon nlng Kami Ng Pagkain.Tapos Uuwi Na Kami Magdadala Din Kami Ng abaca pasan-pasan namin .Pinapatuyo Muna Namin Yun Saka Ibebenta .Naalala ko Minsan Umabot Dati 50 bawaT Kilo Nun .pero Ngaun Diko na alam kasi Bihira NaLang Makakakita Ng abaca duon.

Naranasan Namin Dati Ulam Ay Asin Lang Sa subrang Hirap Ng Buhay .Tapos Laging Kamote,saging At gabi Ang Kinakain Namin .Pag Nabenta Na yung Abaca Tuwang Tuwa ng Kami Nyan Kasi Makakabili Na ng Bigas ,tapos May Pang Ulam Na ,Pinakamasarap Na ulam NamiN Ung Sardinas Tapos Lagyan ng Bihon At May Sabaw Sarap sarap Nun.

Pagpumasok Naman Kami Sa School Maaga Kami Naalis Ng Bahay Kasi Malayo Ang Nilalakad Namin Alis Kami Ng 5:30 dating Naman Kami Sa Shool 7:30 pag Mabilis bilis Ka naman Lumakad siguro Mga 7:00 nandun Kana .Minsan Nalalate Kami .Pero Wala Kami Magagawa Kasi Nasa Malayo Kami.

Ang Uwi NamAm Namin Ay 4:00pm ng Hapon Minsan Gabi Na Kami Nakakarating Sa Bahay .Ang Pinakamahirap Lang Nun Kapag Umuulan Kasi Hindi Kami Makakapasok .May Tinatawid Kasi Kaming malaking Ilog Duon Kaya Pag Naulan Bumabaha Siya .Kaya Hindi Nalang Kami Napasok Pag Naulan .

Madami Dami Din Kaming Naglalakad Papuntang School mga Pinsan Ko .ito TalAga Diko Makakalimutan Nung Nakakita Kami Ng Kabayo na Mag-ina .hindi namin Alam Na Subrang Tapang Pala Ng nanay Na Kabayo .Yung Pinsan Namin Na Lalaki Niloloko Niya Kami .sabi pa Naman ,"hala Kabayo Habulin Mo Sila .syempre Kami Nagtatawanan Naman .Nagulat Nalng Kami Biglang Tumingin Samin ung Kabayo at Hinabol Kami.di NamIn Alam Kung Saan Kami Pupunta Nun.Tumakbo Kami Ng Malakas Nakaka hiwalay Hiwalay Kami .Yung Isa Naman Namin Na Pinsan Umakyat sa Puno Ng Niyog .iyakan Talaga Kami Nun Yung Mga Baon Namin Na Pagkain Natapon Lahat .

Yung Mga Damit naman Namin Ang Dumi.ang Masaklap Duon Ang Isa naming KasaMa natadyakan pala Ng Kabayo .nanginginig Sa Takot .Pag Dating Namin Sa School nagtaka Guro Namin Bakit Ang Dumi Ng Mga Damit Namin .Kaya Kinwento Namin Ang Nangyari.

Isang Gabi Nun Inutusan Kami Ni Mama Na Humiram Ng Pangkayod sa Niyog ,malapit lang bahay Ng Kapit Bahay Namin .Maliwag Nun Kasi Ang Laki Ng Buwan Naglakad Kami ng Kapatid ko Ako ang Nasa Hulihan.Bitbit Ko Ung pangkayod "laking Gulat Ko Nalang Kasi Parang May Kumagat Sa Binte Ko .Pagtingin Ko Nakita Ko Yung Ahas Na Kulay Itim Ang Laki Niya .sa Subrang Takot Ko Naihagis Ko Yung Pang kayod sa Niyog .subrang Lakas Ng Hiyaw ko sa subrang takot .

Pag dating namin sa bahay nagulat sila ni mama at papa bakit nag siiyakan kami ,sabi Ko Nakakita Kami Ng ahas tapos Pag Tingin Ko Sa Binte Ko Mayroon Palang Kagat Bumaon Ung Dalawang Ngipin Ng Ahas Anlaki Ng Kagat Kala Ko Nga mamamatay Na Ako Nun .BUti Ginamot Nila ako Agad nilagan Ng Bawang Ung kinagatan Ng Ahas At tinalian Ng Pagka Higpit Higpit Ang Paa Ko .

Sabi Ko Sa Sarili Ko Mag aral Talaga Ako Ng Mabuti Para Pag Nakapagtapos Ako matutulongan Ko Mga Magulang Ko Makakahanap Ako Ng maayos Na trabaho.HanggaNg Sa dumating yung Time Na Nagkasakit Ang Mama Ko subrang Hirap Sa Kalooban Na Makikita Mo Mama Mong Nahihirapan .dinala Namin sa Hospital At dahil Walang Wala Talaga Kaming Pera Napilitan ang Papa Kung Ibenta Yung Maliit Niyang Lupa Na May Mga Tanim Na Niyog para Lang May Pangbili Kaming gamot Kay Mama.

Ang UtAng Hospital Na Pinuntahan Namin Napaka hirap Ng Sitwasyon Ng Mama Ko Duon Kasi Di Siya inaasikaso Pinababayaan Lang Niya Mama Ko .wala Talaga Silang Pakialam Kahit Nahihirapan Na Ang Mama Ko .Kasi Wala pa din Tlaga Kaming Pang Down Sa Hospital.Kaya Naisipan Naming Ilipat nalAng Siya Sa EVRMC sa Tacloban Leyte.buti PagdAring Namin Duon Inasikaso Na siya .kaso Pahirapan Din Sa Subrang Dami ng Pasyente.

Palipat lipat Kami Ng Hospital Nun Kasi Di Gumagaling Ang Mama Ko .dami Binibigay Na Gamot .Ang Iniinda Niya Ay Ang likod niya ..Pag sumakit Na Yun Umuongol Nalang Siya Sa Subrang sakit Tapos Iyak Ng Iyak .subrang sakit ssa Kalooban 15 taong Gulang Ako Nun pumapasok Na Ako sa 1st year High school, ako ang Nag aalaga Sa Kanya Sa Hospital .kasi Yung Iba Kong kapatid hinDi namin Kasama Kasi May Mga Asawa at Nandito Sila Lahat Sa Cavite.

Mahigit Isang buwan Kaming Nag stay Sa Hoapital.Sa Awa Ng Diyos Medyo Naging Ok Na siya .hanggang Sa Umuwi Na kami Ng Bahay.Akala Ko Nuon Magaling Na Talaga Siya ..Pero Hindi Pa Pala Minsan Pinagamot Namin Sa Albularyo ..may Nilalagay Lang Na Dahon dahon Sa Likod Niya At Nakikita kung Medyo Nababawasan Yung Nararamdaman Niyang Sakit.

HaNggang isang araw Umalis Ang Papa Ko Para Maghanap Buhay .Kaming Dalawa lang Naiwan Sa Bahay Ng Mama Ko ,sumakit Nuon Ang Likod Niya Diko Na Alam Ang Gagawin Ko Hinaplos haplos Ko lang Likod Niya Habang umiiyak Ako.Nasa Kusina Kami Nuon Iniwanan Ko Muna Saglit Si Mama Kasi kinuha Ko Ang Gamot Niya Sa Kwarto .Laking gulat Ko Nalang Pag Balik Ko May Hawak Na Siyang Kutsilyo sumigaw Ako Nun lakas Mg Iyak Ko .Buti Nakita Ko Agad Balak Niya Laslasin Ang Pulso Niya Kasi Nahihirapan Na daw Siya sa Subrang Sakit.

kinuha Ko Agad Ang Kutsilyo .sabay Yakap sa Kanya😫😫sabi Ko Sa Kanya "Wag Mo Gawin Yan Ma Kasi Dito Pa kami ,wag Mo NamAn sanang gagawin Yan ,Mahal Na Mahal Ka Namin diba Usapan Natin Na Gagaling Kapa ???😫niyaKap Ako Ni Mama At HumaGulhol Siya Sa Pag-iyak.Hindi Ko Na sinabi Sa Papa Ko AnG Nangyaring Yun Para Hindi Siya Mag alala ng Mabuti.

Patuloy namin pinapainum Ng Gamot Si Mama Sa Awa Ng Diyos Medyo Nawawala Na Daw Ang Kirot sa Likod Niya ..ThankFul Ako Kay God Na Naging Ok Na Ang Mama Ko.Kaya Lang Problema Namin Ay Yung PAmbili Ng Gamot Niya Kaya Napagdisisyunan Kung Magtrabaho Nalang Sa Edad Na 16 taong Gulang .hindi Na Ako Nakapag Aral Hanggang 1st year High school Lang Napasukan Ko .

Kasi Mas Pinili Kung Magtrabaho Nalang Para makatulong Ako ..Matustusan Ang Pambili Ng Gamot Niya .pumasok Ako Bilang Katulong .sa Murang Edad Subrang Hirap ..Pero Ok Lang Basta Makatulong Ako Sa Magulang Ko .Simula Nun Di na Talaga Ako Nakabalik Sa Pag aaral ..tuloy tuloy Na Yung Pag Tatrabaho Ko Kahit Saan Ako Nakakarating ,Unang Kong Namasukan bilang Katulong Ay sa Cebu ,..Nagtagal Din Ako Duon dalawang Taon .

Pero Umalis Din Ako duon .pangalawang napasukan Ko Ay Saleslady Sa General mac.Arthur Samar Leyte.mahirap Sin duon kasi Ang Sungit Ng Mga Amo Namin Hirap makisama .

subrang Laki ng Pasalamat Ko Kay God Kasi Pinagaling Niya mama Ko ,pero Tuloy tuloy Padin Ang Gamutan .

Tinanong Ako Ng Mama Saka papa Ko Kung Gusto Ko Paba Mag aral ..sabi Ko Sa Kanila Magtrabaho Nalang Ako .

Hanggang Sa Napadpad ako Dito Sa Cavite .kasi Nandito Din Ung Mga Kapatid Ko .buti May may Tumulong sakin ,pinasok Niya Ako Sa Isang Pabrika ,buti Tinanggap Ako Kahit Di Ako Nakapagtapos Ng Highschool ,tinanong Kasi Ako Nung HR Kung Kaya Ko Ba daw Trabaho Duon ..sabi Ko Upo Kakayanin Ko Po.

Sa Umpisa Subrang Hirap Kasi WalanG Tumutulong Sakin ..yung Gawain Ko duon Ay Mag pack Ng Candy Sa Harap Ng Machine Subrang Hirap Talaga Subrang Dami Kung NagagawaNg TAmbak Duon .Di Na Ako Kumakain Ng Tanghalian Nun Para Mahabol ko Lang Mga Tambak Ko ..tapos Suaungitan Kapa Ng mga Kasama Mo Iyak Talaga Ako duon. !!!!!

Pero Sabi Ko Sa Sarili Ko Kaya Ko To!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

3
$ 0.10
$ 0.10 from @bbyblacksheep
Avatar for Leny-ynel
3 years ago
Topics: Life, Story

Comments

Relate ako sa naramdaman mo ng maospital ang nanay mo. Naospital din ang nanay ko at halos isang buwan din siya sa ospital. Gusto na din niya kunin siya ni Lord nun. Ayaw kumain, ayaw tulungan sarili. Ako yung nahihirapan nun pero tinatagan ko na lang. Umiiyak ako kapag tulog siya. Anyway, sa awa ng Diyos ay ok na siya ngayon. Isa sa mga mahirap na pagsubok sa aming lahat iyon.

Madami ka na din palang napasukan. Si carisdaneym ang pumapasok sa isip ko na sa murang edad din marami ng naging experience. Madami silang magkakapatid pero pinilit niya magtrabaho para mapag-aral niya sarili niya.

$ 0.00
3 years ago

Upo Subrang Hirap Talaga Nun lalo nat ang Layo Namin Sa Baryo ,buti Nalampasan Namin Yun. Duon Kami Lumaki Sa Bukid Ang Hirap Pag May Magkasakit Kasi Di Ka Agad Makakabili Kasi Malayo Sa Tindahan .Kailangan Magtiis .Salamat Sa Diyos At pinagaling Niya Mama Ko Sa Ngayon Po Nakalipat Na kami Ng Bahay Nasa Baryo na Kami..Hindi Talaga Ako Nakapag patuLoy Sa Pag aaral kasi Sa Subrang Hirap Ng Buhay .Saka Yung Bunso Namin pinagaral Ko Din..

$ 0.00
3 years ago