June 12, 2021
Kanina ko po tinitingnan ko kung uulan ba ngayon ngayon araw. Dahil maganda po naman ang panahon kaninang umaga.
After lunch, parang nagdilim po siya at nasabi na parang uulan na naman yata dahil ganon talaga palagi dito samin. Maganda ang panahon at ang init init pa nga tapos bigla biglang mag didilim at bubuhos ang ulan. I don't know but I felt it na iba na talaga ang panahon ngayon kung para dati. Ako lang ba?
Yes, ang ulan ay mahala din lalo na sa mga magsasaka minsan at hinahanap din po natin yun everytime mainit ang panahon. What's funny is that " kung maganda ang panahon at mainit nag rereklamo tayo and we wish for a rain immediately, pero kung umuulan naman, hindi natin gusto kasi wala tayong magawa dahil sa ulan, need lang talaga natin mag stay sa bahay dahil baka magkasakit ". I really don't get it. But I know kahit anu po yung panahon, I am really sure na may natutulungan pong ibang tao. Some people wish for a rain at kung umulan man they are lucky. Some people also also wish for a good weather at kung hindi umulan they are the lucky one. Kaya sa lahat po ng nangyayari there's an adavantages and disadvantages sa mararanasan natin.
What are the advantages of a rain?
✓ It can water the Plants and Crop
- Rain can water the plants and Crop which is beneficial sa lahat po ng mga farmers. For them, every second is important because they have a lot of things to do, kaya mahalaga po sa kanila ang oras. At malaki na po ang naitutulong ng ulan in watering their plants. Yung time na nakalaan to water planys and crop is pwedi na nilang gawing time to rest.
✓ Can reduce your water bill
- I don't know kung gawain niyo po to, but samin po nung una, every time meron ulan naglalagay po kami ng parang tube na didiretso ang tubig ulan sa lalagyan namin ng tubig sa CR. Dahil sa CR lang po kaya po namin nagagamit po ang rainwater. Sa ganon po we don't need na magpaagas ng tubig at dahil dun we can reduce our water bill po.
✓Sleeping with the sound of rains is one of the most beautiful feelings
- I think madami po ang mag aagree dito. Kasi ganon talaga kapag maulan parang gusto lang natin matulog. Minsan nga kapag gumigising tayo ng umaga at umuulan, hindi tayo bigla biglang bumabangon hanggang di natin namamalayan ng 12:00 noon na pala.
✓ Calming and comforting
- Minsan naman kapag umuulan, sinasabay natin yung mga nararamdaman natin yung maiisip natin na kung gaano tayo kalungkot ,ganon din kalungkot ang panahon. And it feels like comforting kasi parang may kausap ka, parang may kadamay ka sa nararamdaman mo dba?
Others are:
- It clears the air
- Fills streams, rivers, lakes, and ponds
- Animals also need water to survive
The Disadvantages
✓ Inconvenience
- Rain can bring inconvience po sa mga taong may importanteng lakad at hindi po nakapag dala ng payong. Isa sa mga madalas kung maranas sa paaralan kasi di talaga ako nagdadala ng payong.
✓ Loss of Crops and plant
- Rain can be a great help for crops and plants to grow but it could also a cause of loos of crops and plants. Okay lang yung saktong ulan like rain for 30minutes to 1 hour . But yung ulan na halos umabot ng 3-5 days , nakakapaminsala na po yun.
others are:
- Floods
- Risk to humans life ( animals & plants )
- Damage of infrastucture and houses
- Disrupt transportation
- Disrupt communication
Closing Thoughts
But why I love rain so much?
- Para sa akin, one thing why i love rain ay ang pakiramdam ng isang bagong simula. Isang sariwang pagsisimula.Yung feeling na parang natatanggal lahat ng sakit ,kabiguan sa buhay na nararamdaman mo. Yung feeling na may karamay ka sa kalungkutan mo. At magsimula ulit. Yung feeling na parang ang ulan ang tagapagligtas na darating pagkatapos ng halos hindi maagaw na init ng tag-init. Parang pagtubos sa lahat ng bagay.
Marami po akong mga memories with the rains po noon bata pako. And I always think of those memories everytime po may ulan. Wala lang, ang saya lang kasi noon bata pa, wala pang masyadong problema.
- Lejay28
June 12 pa to? :D Gusto ko din pag umuulan. Sarap magkape :D Nakakarelax din un sound nya. Mas nasanay na kasi ako sa ganun na weather at malamig na panahon keysa sa mainit. Ang sarap din matulog pag umuulan.