~Personal Blog
So far, ang ganda po ng panahon dito samin ngayon, kaso ang problema nga lang ei ang init po sobra kanina pa. Thankful din kami for the good weather dahil ani ngayon ng palay namin sa farm. I checked the weather on my app and it's 32° Celsius pero medyo cloudy siya ng kunti. But dama mo parin talaga ang init dito.
Kakatapos ko lang po kumain dahil nag bantay pa ako ng kainan namin. And sakto may kumain din na nag titinda ng Ice cream. Hindi yung by gallons. Yung Pinipig Ice Cream at Ice Buko, yun kasi tawag nun dito samin. So, perfect talaga siya na desert ko for this lunch time kasi nga ang init, so bumuli kami ng tatay ko ng pinipig ice cream kasi mas masarap yun compare sa ice buko. Pero mas mahal din syempre.
So for today's article, gusto ko lang po i kwento yung memories ko sa Pinipig and Ice Buko😁.
Sa mga hindi po nakaka kilala sa Pinipig Ice Cream, ito po yun yung itsura niya. Kadalasan po yung mga nag titinda nito at naka motor at naka bike at minsan nga din nagla-lakad lang po sila lalo na po kung fiesta.
FIESTA! Halos po lahat ng memories ko nito ei sa fiesta talaga. Sa mga hindi po nakaka alam, kung sakaling di kapa nakakita nito o hindi kapa nakakita ng nag titinda nito, ei marami po kayong makikitang nag titinda nito kapag malapit na ang fiesta at sa araw ng fiesta talaga. Nagla-lakad lang sila niyang. Kaya siguradong makakabili ka talaga. Pero syempre ingat din po kayo sa mga nanglalason ( may tawag po yan dito sa aming mga waray, sila yung " PURUPANLIHO " ), delikado din po yun, lalo na kung di kayo suki ng nag titinda. Yung binibilhan kasi namin dati ei kilala ng tatay ko, kaya safe.
Sa darating na August 29-30 fiesta po yan samin. Fiesta po ni Saint Rose of lima. Medyo malapit na nga. Kaso parang walang handaan lang muna at bawal ang bisita, hindi kagaya ng dati noong wala pang Covid-19. Madami po talagang tao kapag fiesta dito samin at marami din nag titinda ng ice cream. Adik na adik kasi talaga ako sa pinipig kahit noon pa man. May pera kasi ako palagi kapag fiesta kasi nga yung mga pinsan namin sa ibang lugar ei nagdadatingan tapos minsan yung mga ninong at ninang ko din, ay pumupunta. Hindi naman ako nanghihingi, lols, sila lang talaga yung kusang nagbibigay katatapos kong mag mano sa kanila. At yung perang bigay nila ei ubos lahat yun sa Ice buko at pinipig. Hanggang maubos ko pera ko. Yung mga anak din kasi ng mga tita at tito ko ei kasama nila at yun yung ka-laro ko at syempre bibigyan ko yun kasi wala akong makakalaro kung di ko bigyan.
Yung isang pinipig ei ang tagal ko talaga maubos yan. Kasi yung ginagawa ko magpapahuli ako sa pagkain para kapag ubos na nila yung sa kanila, maiinggit na sila kasi meron pa ako pero yung problema kasi ako yung bumibili sa kanila, parang ako padin yung lugi ,lols. Pero promise kung bata ka pa talaga ang sarap sarap nito sa feeling na makakakain ka. Noong una kasi yung afford lang ng mga bata ei yung Ice buko, parang mga 5php isa noon at yung pinipig naman ei tag 10php yun isa. Kapag yung bata makabili ng pinipig ei, mang iingit kasi yun sa mga ice buko lang yung kinakain. Mas masarap kasi talaga yung pinipig ei.
Hanggang sa maging ganito nalang. Kahit stick nalang eii kakagatin pa yan , lols. Ganon din kasi ako, kahit yun stick kakagatin pa yan at ang tagal kong itapon yan. Ginagawang kutsara kutsara din kasi yun namin kapag nagbabahay bahayan, kaya minsan di talaga namin tinatapon. Ei ngayon after yolanda nag taas yung mga presyo, yun dating 5php na ice buko, 3 for 20php na. Tapos yung tag 10php na pinipig tag 15php na. Hindi na bumaba. Pero masarap parin siya. Na timing ko lang siguro na kumain kanina sa tindahan namin ei naka bili ako. At kaya siguro nandito na naman sila kasi malapit na fiesta samin.
Closing Thoughts
Wala parin talaga makakatalo sa mga memories noon bata ka. Naniniwala na talaga akong hindi mo makakalimutan yun. Makwekwento at madadala mo yun sa paglaki mo. At kun sakaling mabalikan mo yun ginawa mo ei ngayong malaki kana, matatawa ka nalang sa pinagga-gagawa mo noon bata kapa noh?
Ikaw anong kwentong Ice buko at Pinipig mo?🤣
Date Published : August 18, 2021
By:~Lejay28
Madami pa din ganyan dito, Lelay 🤤