July 7, 2021
Meron po akong isang pinsan na gustong-gusto talaga mag-ipon ng pera para ibili nya ng bagong cellphone kasi luma at may sira na daw and kanyang cellphone. Kailangan nya daw kasi mag sesenior high school na din siya next school year. Lalo na't baka maging online class parin so need talaga nya ng bagong cellphone. Sabi niya palagi siyang nag tratry na mag ipon pero nagagastos parin nya. Hindi nya ma kontrol ang sarili nya, lalo na kung yung mga kaklase niya ay pumupunta sa bahay nila.
Actually meron siyang alagang baboy bigay lang ng nanay niya sa kanya dahil siya yung palaging nagpapakain sa inahin na baboy nila. Plano plano niya na ibenta ang baboy niya para makabili ng bagong cellphone. Based sa laki ng baboy niya eh parang 3000 lang ang halaga, so kulang parin para sa gusto niyang cellphone. So need parin nya maka ipon ng kahit 3000 pesos para makabili ng bagong cellphone.
Yung conversation namin...
Pinsan : Kuya, mag ipon po tayo para sa pangbili ko ng cellphone
Ako: Bakit bi, ikaw, di mo ba kaya mag ipon? Hehe
Pinsan : Hindi ako makapag ipon, palagi ko pong na gagamit. Minsan kung nasa bahay mga kaklase ko nagagamit ko para sa pagkain namin. Minsan binibili ko ng pagkain ng baboy para lumaki pa at mabenta ko pa ng mahal.
Ako: Aw okay okay. Sige. So sa akin mo ipapahawak yung pera mo?
Pinsan: Opo sana. Pero magpapatulong po sana ako sayo hehe maglagay ka din doon everyday hehe. Kasi wala po akong trabaho, tumutulong lang sa nanay ko. 20pesos lang ang binibigay.
Ako: ( ako na natawa ). Ah ako din naman wala pang trabaho haha
Pinsan: Madami naman pera mo ei. Tapos binibigyan kapa ng auntie at uncle. ( Sabay tawa, na medyo may hiya kunti )
Ako: Ngii, pero sige mag ipon tayo para makabili ka ng bagong Cellphone mo.
Pinsan: Yeeeyy, sige sige kuya. Sabi mo yan aah. Mag sisimula na ako bukas mag bigay sayo ng 20pesos everyday. Kahit maka ipon lang tayo ng 3000 pesos okay na yun kasi ibebenta ko naman yung baboy ko.
Ako: Ah okay okay sige.
End.....
Kahit noon pa man close na talaga ako sa mga pinsan ko, lalo na yung mga mas bata sakin kasi mahilig talaga ako sa mga bata. Itong pinsan ko ay isa mga close kong pinsan kaya okay lang yung joke joke. Akala ko nya nag jojoke lang siya . Pero di na ko nag tanong kung joke lang ba or hindi dahil gusto ko din naman siyang tulungan sa gusto niya.
So ayon gusto ko lang po ishare to sa inyo dahil nakita ko na gustong-gusto talaga ng pinsan ko na mag ipon dahil may goal siya, may gusto siyang bilhin at gusto nyang bilhin gamit ang sarili niyang pera. Na feel ko na deserve nya makuha yung gusto niya at need talaga niya para sa pag aaral niya. Kaya hindi ako nag dalawang isip na pumayag.
Actually naisip ko din na di nalang kami mag ipon. Papautangin ko nalang siya ng pera, pero babayaran niya yung half na uutangin niya. At gusto kung pagkabili niya ng bagong phone ei recommend ko na pumasok din siya dito sa readcash. Para makabayad siya and makaipon din para sa next goal niya. Pero ang problema kung papayag ba siya. Hindi ko lang siya natanong kanina tungkol dito. But iniisip ko talaga to kung papayag siya na uutang siya sakin. Para kasing hindi siya uutang, dahil gusto niya lang talaga magpatulong.
So sabi niya tungkol sa pag ipon namin, bukas daw siya magsisimula until makaabot kami ng 3000. Parang aabutan pa kami ng 2 months. Pero sabi niya okay lang daw. And I really hope makaya namin.
Awww. So kamusta ano'ng nangyari sa ipon nyo?