Once again, for the second another time. to all my English reader in there, I just want to say sorry to all of you, but now I'm planning to write an article using our very own language Tagalog for the second time. It's for the celebration for our "Buwan ng Wika" I want to say sorry to all of you, you can just skip me for this day today, thank you for your consideration
Muli, ang Inyong munting susong tamad ay susulat ng malaya, sa ikadalawang linggo ng pagdidiwang ng buwan ng wika, gagamitin ang ating wika, ang wikang Pilipino.
Bago ang lahat, isang nakakasayang linggo ang nagdaan nakaraan. Matapos kong sumulat ng aking akda na "Padayon" madami din ang katulad kong manunulat ang sumulat gamit ang Pilipino. Hindi ko sinasabing ginaya Nila ako, ang akin ay nakakaaliw makita, at bumasa ng ating gawa gamit ang ating wika.
At eto nanaman, napahinto nanaman ako ng ilang minute, ang nga ba ang isusulat ko?... Isang kuwento? isang tula? O isang impormasyon?. Kayo ba? Anong ang gusto niyo? Ako ang gusto ko ay si badiii ko, ay di pala kasali Ito pasensya na kayo. Sadyang papagalawin ko nanaman ang aking mga kamay at isipan. Hahayaan nalang silang gumawa ng kahit na ano.
Sisimulan nanaman, sige na, wala na talaga , gagawa na ng tula Kasi ano pa nga ba? Hindi ba? Nakakaaliw bumasa ng tula? Lalo na kapag mag isa.
Walang kuwenta
Pag pasensyahan niyo na ang aking akda
Sadyang hindi ako seryoso sa Pag kakagawa
Kaya nga ipapanangalang sa ang aking tula
Na ang akdang ito ay tulang walang kuwenta
Maari na kayong, tumayo at umalis,
May pahintulot na kayo Kung ninanais.
Hindi magagalit, hindi mag dadamdam,
Kasalanan ko din naman, Kung bakit ba ganyann.
Ang tulang ito ay walang kuwenta,
Ang ulap sa langit ay kulay bughaw.
Ay hindi pala, puti pala ang sa kanya,
Pagkat ang langit sa langit ay ang bughaw.
Pagkat Ikaw ay natawa, sa Iyong nabasa,
Kung hindi naman, edi mali ang hula.
Pag pasensyahan niyo na, malay ko ba.
Natawa ako ng aking Iyong isulat akala ko madadala sa mambabasa.
Sinasabi naman Nila, sa kanilang kasabihan,
Kapag may tiyaga Mayron daw nilaga.
Wala lang, naisipan ko lang naman isama.
Nagugutom na Kasi't tyan at ay kumakalam.
Dumating na ba sa punto ng Iyong Buhay,
Na napapaisip ka na sa Iyong mga ginagawa?
Na bakit, umabot ka pa Hanggang sa sulat na Ito,
Eh wala naman talagang kuwenta ang gawa ng batang 'to.
Hindi na,mag seseryoso na'ko talaga,
Kung Bakit nga may pakpak ang mga sirena,
Baka kaya ang manok ay tumitilaok sa umaga,
Ay dahil, gutom na Ito at ang amo ay nakahilata pa.
Ang punto ko lang naman sa tulang ito,
Ay Kung paanong Tayong mga Pilipino,
Ay nakapag titiis, at nakapag tiyaga na tumuloy
kahit na alam nang niloloko. Ginoyo ng ibang mga tao.
Na likas na sa ating mga Pilipino,
Ang maghanap ng magandang bagay,
Nangangalkal, at nagaantay na, baka sakali,
Na sa isang walang kwentang gawa, ay Tunay ngang may laman nga.
Pahuling pananalita
Sa aking mga mambabasa na umabot sa tulang ito, pasensya, di ko namann nais na na pag lauran kayong lahat, gaya nga ng aking sinabi, at sinulat hahayaan ko lang mag isip ng malaya ang aking isipan, at papagalawin ng kusa ang aking mga daliri sa kamay. Ang tulang walang kuwenta, ay walang kuwenta nga ba??? Hindi ko din alam ehhh kayo nalang ang humusga, isa pa ulitttt, sa mga mambabasa at bumasa na pasensya, maraming mali ang tugma, maraming mali ang sukat, ginagawa ko lang iyan sa oras ding ito. Ang Tunay ko talagang nais kanina ay gumawa ng tula para sa kaibigan kong nasa ospital. Kagabi naman ay naisip ko na gumawa ng tula para sa paborito at kinaaaliwan kong pabalas
Marami ulit salamat sa Inyong pasensya.
Hanggang Dito nalang ang aking isusulat, sana maganda ang Inyong mga gising at umaga, sana masarap din ang Inyong mga ulam. (Tama na tamad na suso,seryoso na huling pananalita na ito). Bukas po babalik na ako sa pagsusulat gamit ang wikang ingles, sadyang ang aking layunin lang ay gumawa ng tulang tagalog isang beses kada linggo. Maraming salamat po ulittttt.
Pahabolll, dumating na ba sa punto ng Iyong Buhay, na yung bagay na ginagawa mo ay napapaisip ka Kung tama nga ba?, O Kung dapat pa nga bang ituloy? Pag ka ganun po, isipin mo Kung bakit mo simulan at ginagawa. Salamat po uliiittt.
Ang galing naman po . Walang kwenta ang pamagat pero pinagpaguran .. may kwenra parin ang iyong tula..