Sino ba Ako?

1 14
Avatar for Lapz
Written by
3 years ago

Magandang araw po sa ating lahat dito sa read.cash, Bago ko po simulan na maging active ang account ko ito,nais ko muna magpakilala sa aking sarili, Ako ay si Amalia D. Manalo at kilala sa tawag na maymay, 35 taong gulang ay isang simpling maybahay at ina sa nagiisang anak kong lalaki, nakatira po ako sa isang probinsya ng Mindanao, Dahil sa kagustuhan kong makaahon sa hirap nagsusumikap ako na makapag aral muli kahit na sa edad kong 35 years old, sa awa ng Diyos nakapagtapos ako ng Midwifery last 2020, at sa kasalukuyang nag tatrabaho ako sa isang pribadong Hospital dito sa Mindanao bilang isang nursing attentant,Ito ang nakuha kung trabaho sa kadahilanang wala pang nagyayaring Midwifery Licensure Exam dahil sa Pandemya,ngunit nagpapasalamat din ako na kahit papano may naging trabaho ako, kahit papano makakatulong sa sa aking pamilya.

Sobrang hirap at nakakatakot ang naging trabaho ko sa ngayon dahil nga sa Pandemya,bilang isang nursing attentant sa Hospital kami ang sasalubong sa lahat ng mga taong sinusugod sa emergency kahit na may PPE kaming ginagamit di parin natin masisiguro kasi di makikita ang virus, Ngunit ipapasa Diyos ko nalang ang lahat alam kong di Nya kami pababayaan at wala din kaming magawa kundi lumaban sa kalabang hindi nakikita para lamang may mailaman sa sikmura ang aking pamilya, Kahit ganun paman ka kaba at delikado ang naging trabaho ko masaya ako dahil kahit papano may nagawa ako para sa ibang tao at para na din sa pamilya ko,

hangang dito lamang muna ang pagpapakilala ko sana may makapansin at may gustong bumasa sa gawa kong ito, hangang sa susunod ulit Magandang araw po.

1
$ 0.00
Sponsors of Lapz
empty
empty
empty
Avatar for Lapz
Written by
3 years ago

Comments

hi magandang umaga po, ito na po ang bago simula ng ating magandang buhay dito, ako din po kagagawa ko lang din ng account ko

$ 0.00
User's avatar Amz
3 years ago