Love of Mylife.

2 32
Avatar for LadyJean
3 years ago
Topics: Fiction, Series, Story, Love, Life

Jena was rushing her time because its already 7:am in the morning. They will be late , first day of school of her eldest son. Jena was married and she has two children her husband wasn't there he go to manila to work there.

Jena was the one who take care of her children ,they live in her parents house. Sunddenly Jena start to wake her son to take a bath and eat some breakfast.

Sponsors of LadyJean
empty
empty
empty

"Gio, nak bangon na malalate kna ,firstday mo sa school late ka nyan halika na ."sabi niya habang pinaplansta ang uniform ng kanyang anak. Mayamaya bumangon na din si gio pero akala nya ay pupunta sa lamesa at kakain yun pala ay sa mahabang upuan at matutulog ulit.

"Kawawa naman ang baby ko ah antok n antok pa,halika na gio at paliguan na kita tapos kain kana ng almusal mo,pagkagaling natin sa school punta tayong palengke bili tayong robot mo ."pagkasabi nya non ay agad bumangon ang bata kahit nahihilo pa sa antok.

"Talaga mommy bibilhan moko laruan ,paguwi natin "yehey" ligo nako mommy."sabi ni gio papunta sa cr.

"Oo anak kaya bilisan na natin kasi malalate na tayo,pagalitan ka ni teacher mo."mamaya ko na pagpatuloy pag pagplantsa paliguan ko muna si gio."

"Ma,mamaya po pagalis namin pakibantay nalang po si Jana bka po kc umiyak kpag nagising na hindi ako nakita."bilin nya sa kanyang ina dito nya iniiwan ang kanyang bunso na si jana 3years old .

"Oo cge basta wag kayong matagal umuwi alam mo nman itong anak mong isa eh nagwawala kapag hindi ka nakita."sabi ng mama nya habang nagwawalis sa bakuran

Pinagpatuloy niya ang paliligo kay gio pagkatapos ay binihisan at sinubuan ito ng konting pagkain para hindi magutom sa skwelahan.Pagkatapos ni gio ay nagready na din syang maligo para ipagpatuloy ang naudlot na pagplantsa sa uniform ni gio .

Eksakto 8:00 am ready na sila ni gio, ang pasok tlga nya ay 8:30 kaso mas mabuti nang maaga sila doon sa school kasi maglalakad pa sila malapit lang nman ang school ni gio sa kanila .

"Ma alis na po kami ni gio."sabi nya habang siusuot ang kanyang tsenilas

"O cge wow ang bango at ang pogi nman ng apo ko,makinig ka ky mam mo ha gio wag makulit doon ha ."sabi ng mama nya sa bata .

"Opo lola lika na mommy." Excited na sabi ni gio sakanya hinawakan ang kanyang kamay at nagsimula na silang maglakad.

Habang papunta sila ng school hindi maiwasan ni Jena na pagmasdan ang kanyang anak ang laki na nya na at ito papasok na sa school .Parang kailan lang ay karga kosiya at pinapainitan sa labas ng aming bakuran.Ang bilis talaga ng panahon at ngaun meron nakong studyante.

Malapit na kmi sa school ni gio,may nakikita akong ibang mga magulang at bata na papunta din sa daycare center. Sana mabilis matutu si gio sa knyang guro dito sa daycare.Nakarating na kami siguro 5minutes lang nilakad namin mula sa bahay hangang dtonsa school.

"Wala pa b si maam.?"tanong ko sa isang parent doon may kaliitan na babae at may kargang bata.

"Ah wala pa sino b teacher nya si mrs.cruz ba?.tanong niya sakin

"Ah oo baka papunta na yun si mam antayin na natin don sa may pinto ."sabi ko habang naglalakad na papunta sa clasroom ni gio.

Bukas na pala ang classroom ,may mga ilan na nkaupo na hindi ko alam kong san ko pauupuin si gio .May napansin akong magnanay na nasa unahan .

"Hi,may nkaupo n b dito.?" Tanong ko sa babae at infairness maporma sya mas maporma pa sa knyang anak,medyo mataray din baka hindi kami nito magkakasundo sa isip ko.

"Ah wala pa dito nalang kayo."sabi niya ,ah hindi naman pala suplada.

"Ok cge salamat.," At pinaupo nya n nga si gio,sa tabi ng knyang anak.

"Taga san ka?," Tanong sa akin ng babae

"Jan lang kami sa pagtawid sa kabilang block kayo?"tanong kp sakanya medyo gumaan yung pakiramdam ko sknya parang magaan syang kausap.

"Medyo malayo kami sa kabilang block pa kmi."sabi din nya na pinapanood namin yung dalawang bata na naglalaro sa mesa wala pa kasi ang guro nila.

"Ako nga pala si Lory ."pagpapakilala nya sa akin

"Ako nman si Jena ,buti nagkasundo mga anak natin ano."sabi ko habang nakangit

"Oo nga eh ,ayaw nga magpaiwan eh ung kapatid nya iniwan ko muna sa mama ko."kwenta nya ky lory

"Ah so dalwa pala sila."sabi niya

"Oo siya nagiisa mong anak si lera"? Tanong niya habang inaayos ang gamit ni gio sa upuan

"Oo eh nahirapan kasi ako magbuntis kaya hindi ko masundan hindi kasi regular ang mentration ko minsa 8months wala akong dalaw."kwento sakin ni lory

"Ah ganun ba,kawawa nman pala si lera at walang kapatid di bale sa hirap ng buhay ngaun ay tama na munang isa,ako nga hirapan kami sa dalawang anak namin ,yung aswa ko nag ttrabho sa manila kasi dito sa probinsya natin ay ang baba ng sahod."kwento ko saknya,hindi ko alam bakit sa una palang na kwentohan namin parang ang gaan na ng loob ko saknya.

"Anjan na si maam ."sigaw ng isang babae na medyo maliit at maingay

Anjan na nga ang guro ni gio.Nagsimula na magpakilala at may mga importante syang sinabi sa amin.1week lang daw kaming mga magulang sa loob ng classroom sa sunod na linggo ay sa labas na lang kami para masanay ang mga anak namin magisa.

Nagsimula ng magturo si Mrs.Cruz puro kantahan muna sila kasi unang araw at meron ding story telling si teacher at nakikinig naman ang mga anak namin.

"Mga mama mamayang hapon 1pm may General Pta meeting tayo ,walang mawawala kilangan niyong umattend at ididiscuss ko ang mga dapat niyong malaman ,"sabi ni Mrs.Cruz habang inaayos nanamin ang mga upuan dahil uwian na.

"Paalam mga bata,bukas babalik ha ,"paalam ng guro nila.

"Halika na gio uuwi na tayo,"yaya ko sa anak ko na nakikipaglaro pa kay lera.

"Pupunta ka ba mamayang hapon,?" Tanong ko kay Lory.

"Susubukan ko,pero sabi ni mam kailangan daw umatend ."sabi ni Lory habang sinusuot ang bag.

"Sige aattend nalang din ako,umattend ka ha ,aantayin kita." Sabi ko kay Lory

"Sige ,halika kana uwi na tayo,goodbye po mam uwi n po kami."paalam ni Lory ky Mrs.Cruz.

Palabas n kami ng eskwelahan at palakad pauwi magkasabay na kami ni Lory sa paglakad habang naglalakad ay nagkkwentohan parin kami.May tuwang naramdaman sa puso ko dahil may bago akong kakilala at kaibagan.

"Jan lang kami sa tawid,babye na gio kay lera."sabi ko

"Babye lera",habang kumakaway

"Bye gio" sabi din ni lera

"Cge ingat kayong magnanay ha,antayin kita mamaya sa school mga 1pm ."sabi ko kay Lory

"Cge kayo din ingat kayo,bye gio,pupunta ko 1pm."sabi sakin ni Lory habang nkangiti.

"Mommy ,sabi mo pupunta tayong palengke bibili tayong laruan,"sabi ni gio na nagmamaktol na sa daan.

"Anak bukas na lang kc tanghali na tagal kc ng teacher mo dumating kaya tuloy tanghali na kayo na tapos."paliwanag ko sa bata.

"Eh mommy gusto ko laruan."naiiyak ng sabi ni gio.

"Gio wag makulit ha yung kapatid mo don nagaantay na sa atin,walang kasama aalis din si lola mo.,bukas nalang total magpapadala si daddy mo non kukunin natin,wag na makulit ha."sabi ko habang binibilisan na ang paglakad dahil si Jana baka umiiyak na.

To be continued....

Paalala lang po ang mga pangalan at lugar na nabangit sa kwento ay kathang isip po lamang at ito'y sarili kong gawa.

Maraming salamat po subaybayan niyo po ano pa ang mga susunod na mangyayari sa susunod na chapter.

Thank you read cash❤️❤️❤️

2
$ 0.05
$ 0.05 from @sgbonus
Sponsors of LadyJean
empty
empty
empty
Avatar for LadyJean
3 years ago
Topics: Fiction, Series, Story, Love, Life

Comments

Looking forward po sa next chapter ng story po niyo..

$ 0.00
3 years ago

Thank you so much,i love to hear that❤️😘

$ 0.00
3 years ago