read.cash Log in

@Kyshin

Joined 9 September 2022 · 265 posts

Music Lover | loves crafting | cooking https://noise.cash/u/Kyshin

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Kyshin

Nakakamiss gumawa ng Ice candy kahit kase ganito na malamig madami pa din batang naghahanap. Kaso naman napakamahal ng Ingridients ngayon halos wala kana din tutubuin Hindi mo naman pwede ibenta ng mas mataas sa 5pesos dahil di na afford ng mga bata. Naalala ko tuloy tong picture na to naglipat kase ako ng memory card sa new cp ko dahil sira na yun dating ginagamit ko natuluyan na nagagamit ko pa man din un pagloload sayang. Yan na sa picture ay mango flavor sarap na sarap mga customers ko diyan ang bilis maubos .. kahit di ko bet kase ang gusto ko flavor ube at langka masarap talagah ..

@Kyshin

Dahil Bumabagyo stranted lang sa bahay long weekend nga pero mukang di makakagala .. stay at home lang ata kami ngayon mag uundas hehe. Wala magawa kaen tulog nuod tv. Itong mga bata ayaw matulog yun isa nuod ng tv kaso nakikiharot sa kapatid yun isa naman nakikipaglaro kay memenggul : )Ki-kiss pa niya yan samantalang kagabe may hinuli yan daga hindi naman niya kinakaen hinihilo lang niya sa kakalaro hanggang mamatay 🤣🤣🤣

@Kyshin

Tindero ko : ) Ang aga ng ulan ngayon araw .. Hindi ko alam na may bagyo pala nagplano pa naman ako maglaba haha ..Ayan ang epekto ng puro K-drama kaya hindi na ako nakakanood ng balita wala tuloy akong alam na may bagyo pala kaya maulan hehe. Anyway share ko lang sa inyo itong aking tindero na si Memenggul ayan! siya daw muna ang mag bebenta sa labas at mag cash in kapag may customers ako haha. Kagigising lang niyan galing sa higaan katabi ng Mister ko sosyal naka electric fan pa yan haha..Sabay tambay sa labas ng pinto namin ngayon pa cute pa habang kinukunan ko ng picture oh

@Kyshin

Nakabii ako ng talong di ko alam kung 1/4 ba to per balot na kase 40 pesos apat na piraso. Piantos kona bagong pitas galing sa farm ni kapitan.Makatikim naman ng gulay at akoy umay na umay na sa prito. Iprito ko muna to tapos igigisa ko sa toyo parang style adobo tapos maglalaga na lang ako ng itlog. Ngayon paraparaan na lang talagah para makaraos.

@Kyshin

Napapicturan na naman ako sa mga bulaklak ng halaman ko kanina. Namulaklak na ulit yun isang gumamela na pinaputol ko noon kay papa dahil madaming tilas baka magapangan ang bata nasa terrace pa naman namin. Tska inuutay kong tanggalin isa-isa at ipapagawa kona kapirasong tindahan to para naka display ang mga school supplies ko. Kaya ito picturan ko muna sila bago putulin hehe..

@Kyshin

Masarap sana ang may sabaw ngayon umuulan.Kaso sa mahal ng mga bilihin hindi na kakayanin ng budget. Sibuyas pa lang 10pesos na ang isang piraso rekado pa lalo na ang mga gulay napakamahal. Kaya ayan ang ulam namin ngayon pritong Tinapa,Hotdog at chicken tempura. Sa totoo lang hindi ako nasasarapan sa mga ganitong ulam.Laki kase ako sa gulay na sariwa dahil may taniman si lolo noon. Ibang iba na talaga ang buhay ngayon kesa noon. Nakakamiss lang balikan yun mga panahon na parang nasa probinsiya ka simple pero masaya.

@Kyshin

School Supplies Kahapon namili kami ni Hubby ng panindang School Supplies sa bayan. Nagisip kase ako ng ibang pagkakakitaan dahil hindi naman palaging malakas ang Cash in Cash out ng Gcash at ang load. Kaya naisipan ko mamili ng ilang School supplies dahil gusto ko yun unique madami na kase sari-sari stores dito. Konti lang yun nabili ko pero grabe ang mahal na ng presyo. Pero kahit na ganun masaya naman ako kase supportive na si Hubby ngayon .. unlike dati parang ayaw niya kaya nadidiscourage ako. Siguro narealize niya na din yun pagsusumikap ko kaya naiinspire na din siya kahit papaano. Kung papalarin by nextyear makabili na kami ng computer para maumpisan ko na rin ang Printing business ko .

+2 more

@Kyshin

Hindi ako na-satisfied sa una kong ginawa kaya naman gumawa ako ng panibago hehe. Final na talagah to kaya inayos kona ang pag lettering.Ipapadala ko sa kapatid ko bukas para ipalaminate pag pasok niya sa work.Sa National Bookstore kaae siya nag wowork kaya available dun.

@Kyshin

Wala pa ako signage para sa tinda kong school supplies balak ko kaamse mag order na lang sa lazada .Wala kase mga nag print dito samin at laminate kaya pansamantala ito muna. Para malaman ng mga tao na may tinda ako.Hindi pa kase ayos ang harap ng bahay namin na balak ko gawin tindahan baka this december pa mapaayos kahit kapiraso lang muna .

@Kyshin

Kanina galing kami ni Hubby sa Mall. Namili kami ng mga ilang School Supplies na pang nenegosyo ko. Kaunti lang tong nabili ko pero malaki na ang halaga hehe.Pasimula lang tska na magdagdag pag nakabenta na. Binili ko lang yun mga basic school supplies na lagi hanap ng mga Highschool katulad ng mga papel,notebook,folders,index cards,colored paperportfolio at bondpaper. Buti at Supportive na si Hubby skn ngayon nakikita naman siguro niya ang pagsisikap ko.Napagod din siya kase ginawa ko siya kargador at driver hehe. Bawi na lang ako ngayon dinner kaya ipagluluto ko siya ng masarap na ulam: )

@Kyshin

Tinamaan na naman ako ng sakit nagsimula lang sa bahing ngayon mauuwi na atah sa trangkaso . Ininuman ko na ng neozep para hindi lumala kaso nung uminom ako tumigil naman ang sipon ko kaso nakabara siya kaya nahirapan ako huminga.Yun tipong sa bibig na ako nahinga. Ang hirap ng may sakit kaya kaninang umaga nagpainit ako sa labas ng bahay namin. Nakita ko ang bulaklak ng tanim kong halaman. Red na red simbolo nag katapangan at katatagan na kahit anu pang pinagdadaanan mo sa buhay laban lang : ) charr

@Kyshin

Nakapagala ulit ngayon umaga sa garden ni papa ..Medyo masukal na sa taniman niya di kase naasikaso dahil busy sa pamamasada ng Tricycle. Ilang araw din ako di nakapunta ang dami kase maliliit na langgam tawag dito "kwitib" grabe ang sakit mangagat mahapdi na makati na parang nag rarashes. May bunga na pala ang patola ni papa .. May mga ilan-ilan nabubulok siguro may hayop sa loob meron din naman ibang tutuloy. Makakaen na naman ng libre sa suaunpd na araw ang mahal pa naman ng gulay ngayon.

@Kyshin

Natawa ako sa dalawa kong anak naguusap sila haha .. isang 1 year old and 7 months tunuturuan ng anak kong 6yrs.old. Nakakatuwa sila pagmasdan haha .. kase kung anu sinasabi ng kuya niya ay pilit niyang sinasabi kahit na bulol siya .. laging magkasama sa kalokohan tong dalawa kahit minsan silang dalawa din ang magkaaway haha

@Kyshin

Hindi talaga pare-pareho ang araw may mga araw na malakas ang GCASH cash in cash out pero minsan napakatumal .. Halos isang linggo din siguro na ang tumal ng negosyo ko kahit load ganun din.Kaya nagiisip ako ng ibang pagkakakitaan lalot wala halos sinasahod ang asawa ko ngayon. Nalaman ko din nna nag Gcash na din pala yun isang tindhaan samin hehe : ) nag Marites charr! Pero okay lang ganun talagah ang buhay lahat ng tao pareparehas na gusto umunlad ..Kaya thankful ako sa mga loyal suki ko.

@Kyshin

Memenggul and his friend : ) Nakuhaan ko kahapon ng umaga sa labas ng bahay habang nagkakape ako sa tindahan nila mama. Naglalaro itong dalawang pusa sa kalsada. Ito yun pusa ng kapitbahay namin na laging nakikitulog at nakikikaen samin yun kulay orange ..Memenggul tawag ng anak ko sa kaniya meaning miming na dagul haha ..Hindi ko alam san niya napulot yun or paano niya naisip yun. Medyo nainis pa ako dun sa lalaking naka motor kahapon kase muntik niya na masagasaan yun dalawang pusa. feeling kase nasa expressway kung magtakbo buti na lang walang bata sa labas.

@Kyshin

FULL TIME MOM Kapag Housewife ka nakatali kana sa bahay isang bagay na kailangan tanggapin ng isang tulad kong Nanay. Sa una hanggang dalawang taon ng pagsasama namin naeenjoy ko naman ang pagiging isang housewife.Pero noong naging dalawa na anak namin naramdaman kona ang hirap pala?. Lalot umaasa ka lang sa asawa mo wala kang naipapasok na pera sa pamilya niyo.Naghihintay ka lang ng bigay niya at kailangan mong budgetin yun. Gustohin mo man bumili ng mga bagay na gusto mo pero hindi mo magawa. May mga times na naawa ako sa sarili ko Gustuhin ko man magtrabaho pero wala magaalaga ng anak ko. Mahirap pag kayong dalawa ng asawa mo magkaiba ang pananaw sa buhay. Yun siya kuntento na lang sa kung anung meron.. walang pangarap sa buhay cellphone lang sapat na : ) cellphone is life dun lang nagiinvest pero pagdating sa mga appliances na magpapagaan sana ng gawain mo sa bahay ayaw bumili ..Sayang lang daw ang pera malakas sa kuryente. Minsan talagah naiisip ko ano ba tingin niya sakin " asawa ba oh katulong"?. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob ang hirap kase ng walang mapaghingaan ..

@Kyshin

CUCUMBER Nagala ako kanina sa may garden ni papa .. Nagrerepot kase ako ng halaman ilalagay ko sa harapan ng bahay namin. Habang tumitingin-tingin ako nakita ko tong bubga ng tanim ni papa na pipino. Ang cute kase hehe kakaiba yun shape niya. Kaya pinicturan ko : ) Hindi ko sure if tutuloy na lumaki to kase unang bunga siya diba yun ibang mga vines katulad ng ampalaya at kalabasa yun mga unang bunga hindi tumutuloy. Pero sana lumaki siya .. Picturan ko siya araw-araw para makita ko ang progress niya .

@Kyshin

Super cute ng bunga nitong cucumber ni papa hehe : ) kakaiba yun shape niya . Nakita ko lang kaninang umaga . Hindi ko sure if tutuloy talaga itong lumaki kase unang bunga siya but hoping tumuloy talagah para naman makatikim kami ng fresh cucumber na hindi kami bibili sa labas : )

@Kyshin

PANCAKES? Nagluto si mama kanin nito pancake daw Hehe pero mukha kaseng pandesal yun appearance niya hehe. Dapat pang tinda daw niya to eh binili ng kapatid ko sa bayannung nakaraan hindi ko lang alam bigla nagbago isip ni mama ginawa na lang breakfast ngayon. Masarap naman siya lasang pancake coconut flavor. Enjoy na enjoy naman ang anak ko sa pagkain. Nakikaen din ako pinartner ko ng mainit na kape.

@Kyshin

PANCAKES Nagluto si mama kaninang breakfast pancakes daw yan haha pero mukhang pandesal yun itsura hehe .. Coconut flavor yun mixture binili lang yan ng kapatid ko last time na nagpunta siya sa bayan. Pang tinda dapat ni mama kaso naisipan na nila lutuin as breakfast.Masarap naman siya sarap na partner sa mainit kape

@Kyshin

May batang nagala kahapon sa amin si Baby Matmat : ) Anak siya ng pinsan ko na kinuwento ko dati sa inyo sa noise.cash almost 12years sila bago nagkaanak ng asawa niya. Dumating na nga sila sa point na nawalan na ng pagasa at magaampon na lang sana sila. Pero wala ngang imposible sa Diyos sa di inaasaang panahon dumating sa kanila ang isang magandang balita.Finally nagkababy na din sila saksi ako sa saya ng magasawang dumating ang napakacute na batang to sa buhay nila. Super cute oh naka finger heart pa : ) mukhang maraming apapiyakin gurl to paglaki haha charr

@Kyshin

May batang bumisita sa amin kahapon. Grabe kagigil ang katabaan nitong bata na to . Anak siya ng pinsan ko bali pamangkin ko hehe. Yun nanay niya yun ikinuwento ko dati sa inyo na 12years bago nagkaanak. Actually tanggap na nilang magasawa na di na sila bibiyayaan ng anak pero siyempre walang imposible sa Panginoon sa panahon di nila aasahan darating pala ang pinakamagandang regalo sa buhay nilang magasawa at ngayon ito na siya 6months na si Baby Matmat Napagkalaking bata haha mas malaki pa at mas mataba sa anak kong 1 year and 7mos. old : ) Sobrang kagigil sarap kagatin eh hehe ..Diyan sa picture ay hawak siyang mama ko gustong gusto niyakase parehas silang mataba charr! haha

@Kyshin

Napansin ko napakadami ata may tanim ng patola ngayon dito s alugar namin.Kaya kahit saan may nakikita ako at unli bigay ang aming mga kapitbahay galing sa mga tanim nila. Alam niyo naman ang patola once na namunga ay hitik na hitik sa bunga talagang ikaw na ang magsasawa. Nung isang araw nagluto ako nito misua patola binigyan kami ng Kapitbahay namin 4 na malalaking piraso kaya naman ang sarap ng kain namin ..

@Kyshin

PASSION FRUIT Lastweek nag foodtrip ang mga kapatid ko at ang mga tropa nila.Nagluto sila ng adobo sa gata na bibe grabe sarap naguwi pa nga sila : ) Bukod dun may dala din silang Passion Fruits may tanim pala dun ang dami daw bunga kaya naman nanguha din sila. Noon madami din kami tanim nun nagsimula lang sa isang buto hanggang kung saan saan na lang sumibol kaya dumami ng dumami pero sa tagal ng panahon naubos na din sila . Ngayon wala ng tumutubo na passion fruit dito samin.Kaya nakakamiss kumaen. Actually di ako nakatikim niyan inubos na ng 2 anak ko yun 3 piraso bigay samin gusto nila ang lasa enjoy sila pagkaen .

@Kyshin

Goodmorning Noisefriends : ) Maaga na naman ako nagising kahit wala naman pasok si Hubby sa work. Himala .. anu kaya nakaen at pinagtimpla ako ng Kape actually mas nauna siya gumising HAHA! ginising niya ko paano kase gising na siya ng mga 2am dahil naglalaro ng Mobile games. Bukas yun pinto sa kusina kaya ayan pumasok si Moji sa loob haha .. Nasampa sa upuan nagpapacute nanghihingi ng Pandesal hehe

@Kyshin

Kaen daw sila Hotdog : ) Ayan ang dalawa kong bulilit nagfoodtrip na naman .. Nagtitinda kase si mama ng mga fishballs and kikiam sa labas ng bahay namin kaya naman siyempre suking suki niya ang dalawang anak ko ko. Pero hindi ko naman sila lagi pinapakaen niyan pinatitikim ko lang.Nagsawa na sa cheesetick kaya hotdog naman. Naalala ko tuloy nung bata ako gustong gusto ko din ng Hotdog kaya lang mahal kaya di afford ni mama.Kaya minsan lang makatikim pag may sahod na si papa Kaya pag nakatikim naman heaven hehe . Kahit isang balawbaw na kanin solve sa isang pirasong hotdog samantalang mga bata ngayon papakpapak lang hehe :)

@Kyshin

Misua Patola Ito nga pala ulam namin kahapon yun kapitbahay namin na lola din namin nagharvest ng patola. Binigyan kami ng 3 piraso kaya alam niyo na matik napartner nito misua Sarap humigop ng sabaw tapos may Nilagang itlog. Bali yun niluto ko pang dalawang bahay na para may ulam din sila mama.Umalis kase sila para sumamba wala pa luto sa kanila kaya dinamay kona sila para paguwi nila makakaen na din sila. Ang sarap nitong ulam parang di ako nagsasawa by bextday for sure may dala na naman si lola nito hehe

@Kyshin

Korean Food Ang sarap nito natatakam talaga ako sinend skin yan ng kapatid ko nasa Korean Resto daw sila treat ng Bossing nila ngayon. May event kase sila ngayon october 7 kaya as preparation simula Kahapon nag start na sila mag assemble ng mga gagamitin sa event na mga pang decorations. Kadalasan mga kasal at debut ang inoorganize na events ng amo niya.Ang bait naman at napakagalante kaya sunod sa luho ang mga tao niya. Ang sarap nito nag crave tuloy ako sa Korean food pangarap ko makakaen nito . Honestly kahit anung korean food di pa ako nakakatikim hehe #ctto #shotbyliljamesmagtubo

@Kyshin

Pag daw inggit pikit 🤣🤣🤣 So ayan na nga lang magagawa ko nang inggit na naman ang kapatid ko. May event kase sila this coming October 7 kaya naman andun siya sa bahay ng amo niya si Erick Daquioag isang sikat na host at event organizer ng mga bigatin tao : ) Kaya sunod sa layaw sa pagkaen. Nagchat pa para manginggit sinend sa akin yun picture ng pagkain nila ngaun treat daw ng bossing nila sa Korean Resto. Nako talagah naman mapapapikit na lang ako dahil gusto ko talagah kumain ng mga korean food di ko pa nae-experience kumain nun eh hehe : )

@Kyshin

Goodnoon : ) Noisefriends! Its been 3 days since I last posted here Masyado kase busy sa bahay.Alam niyo na pag nanay ang daming responsibilities na kailangan i-fullfill : ) May 6yr.old akong anak na nagaaral kailangan ko siya ihatid sa school at sunduin sa loob ng 4 na araw simula ngayon Otcober 3 4 days na kase ang face to face classes nila. Busy din ako sa paggamit nitong PEDDLR APP for my business para hindi na ako lista-lista na prone to human error at para ma-monitor ko ng maayos ang galaw ng pera and kahapon medyo nalilito pa ako pero ngayon nagamay kona din. Bumili nga pala kami ng toys kanina sa labas ng school request ng anak ko 2 binili ko kase for surw magaagawan sila ng kapatid niya haha : )