School Supplies Kahapon namili kami ni Hubby ng panindang School Supplies sa bayan. Nagisip kase ako ng ibang pagkakakitaan dahil hindi naman palaging malakas ang Cash in Cash out ng Gcash at ang load. Kaya naisipan ko mamili ng ilang School supplies dahil gusto ko yun unique madami na kase sari-sari stores dito. Konti lang yun nabili ko pero grabe ang mahal na ng presyo. Pero kahit na ganun masaya naman ako kase supportive na si Hubby ngayon .. unlike dati parang ayaw niya kaya nadidiscourage ako. Siguro narealize niya na din yun pagsusumikap ko kaya naiinspire na din siya kahit papaano. Kung papalarin by nextyear makabili na kami ng computer para maumpisan ko na rin ang Printing business ko .
1 comment
In God's Willing sis matutupad po yan. More more blessings and sales po para sa inyong business