FULL TIME MOM Kapag Housewife ka nakatali kana sa bahay isang bagay na kailangan tanggapin ng isang tulad kong Nanay. Sa una hanggang dalawang taon ng pagsasama namin naeenjoy ko naman ang pagiging isang housewife.Pero noong naging dalawa na anak namin naramdaman kona ang hirap pala?. Lalot umaasa ka lang sa asawa mo wala kang naipapasok na pera sa pamilya niyo.Naghihintay ka lang ng bigay niya at kailangan mong budgetin yun. Gustohin mo man bumili ng mga bagay na gusto mo pero hindi mo magawa. May mga times na naawa ako sa sarili ko Gustuhin ko man magtrabaho pero wala magaalaga ng anak ko. Mahirap pag kayong dalawa ng asawa mo magkaiba ang pananaw sa buhay. Yun siya kuntento na lang sa kung anung meron.. walang pangarap sa buhay cellphone lang sapat na : ) cellphone is life dun lang nagiinvest pero pagdating sa mga appliances na magpapagaan sana ng gawain mo sa bahay ayaw bumili ..Sayang lang daw ang pera malakas sa kuryente. Minsan talagah naiisip ko ano ba tingin niya sakin " asawa ba oh katulong"?. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob ang hirap kase ng walang mapaghingaan ..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
hahay i feel you sissy soon lalaki di mga anak natin makakafocus din tayu sa mga gusto nating gawin napakahirap sa ngayun peru i know soon makakaraos din tayung mga nanay sa sitwasyong meron tayu ngayon laban lang
Ilabasa mo lang yan sis para magaan ang pakiramdam mo. Ramdam ko ang pakiramdam mo na may gusto ka bilhin pero hindi mo magawa kasi wala kang work at sahod na sarili mo, naaawa minsan sa sarili mo ramdam ko yan. Ako naman palagi ako magpaalam kay hubby na mag work online para kahit papaano mabantayan ko pa rin anak namin, pero gusto nya bantayan ko lang baby namin sya nalang daw mag work, pero kasi kulang lang talaga sahod nya 10k monthly ang mahal ng pagkain ngayon diba? Gusto ko rin bumili sana ng maliit na ref, gusto nya naman, gusto din naman nya yun kaso nga lang walang budget kasi kulang lang sahod nya sa pagkain pa lang. Hahahaha itawa nalang natin momsh, laban lang