Tindero ko : ) Ang aga ng ulan ngayon araw .. Hindi ko alam na may bagyo pala nagplano pa naman ako maglaba haha ..Ayan ang epekto ng puro K-drama kaya hindi na ako nakakanood ng balita wala tuloy akong alam na may bagyo pala kaya maulan hehe. Anyway share ko lang sa inyo itong aking tindero na si Memenggul ayan! siya daw muna ang mag bebenta sa labas at mag cash in kapag may customers ako haha. Kagigising lang niyan galing sa higaan katabi ng Mister ko sosyal naka electric fan pa yan haha..Sabay tambay sa labas ng pinto namin ngayon pa cute pa habang kinukunan ko ng picture oh
4 comments
puro c miming ata ang post ngaun a🤣mga hnd maka gala naulan
Haha oo pansin ko panay tulog lang ginagawa nila pag naulan sabagay ayaw nila sa tubig hehe
oo nga hahahha
Ang galing ng tindero mo sis buenas ba si mingming hehe.