Eto na naman. Ang aga-aga nakakarindi yung bunganga niya. Daig pa ang babae kung makaputak! Ang sakit sa ulo! Nakakarindi na talaga sya! Simula nung isang araw hanggang ngayon mainit ang ulo niya. Di naman sya laging ganito. Ngayon lang sya nagkaganito na halos walang preno bunganga niya. Isa na siguro sa dahilan na wala na silang pera. Kulang na ang budget nila sa pagpapatayo ng bahay. At sa pang gastos sa araw-araw. Tapos yung mga trabahador pa na imbes na pumasok kasi alam naman na minamadali na yung bahay na matapos e laging pang absent at kung aabsent naman ay di man lang magpasabi kung ano ang dahilan. Kaya lagi na lang mainit ang kanyang ulo at lahat ng tao dito sa bahay ay dinadamay niya. Nakakakasawa ang ganito. Nakakaiyak na lang sa part ko. Wala akong magawa dahil sampid lang naman ako dito. Wala din namang magawa ang anak niya kundi tumahimik at wag magreklamo. Dahil kung magsasalita sila e hindi rin naman sila mananalo. Kaya lang toxic naman kasi masyado. Lalo na sa katulad kong laging masama pakiramdam dahil araw na lang hinihintay ko para manganak ako. Imbes na marelax ko sarili ko at wag mag-isip ng kung ano-ano e di ko maiwasan mastress ng todo. Araw na lang po manganganak na ako. Sana naman ibigay niyo na sakin yung mga araw na yun para sa konting katahimikan at konting peace of mind man lang. Pakiramdam ko kada makakarinig ako ng ingay ng bunganga niyo e sasabog ang utak at dibdib ko. Lalo na ngayon na masyadong emosyonal ang pakiramdam ko dahil nga sa dinadala kong apo niyo. Please lang po tama na muna. Konting katahimikan po muna. Ayokong maging bastos at maging walang modong tao. Kaya pinipilit kong manahimik na lang sa isang tabi. Kahit sa totoo lang e gusto ko ng sumabog o magwala ng todo. Para lang mailabas ko yung nasa sa loob ko. Pasensya na mga kaibigan. Dito ko lang kasi nailalabas mga nararamdaman ko. Laking pasasalamat ko talaga dito sa read.cash kasi yung mga hindi ko mailabas na sama ng loob sa ibang tao o sa facebook dahil ayoko rin gawin e at least nailalabas ko dito. Kahit papano nababawasan sama ng loob ko at gumagaan ng konti nararamdaman ko. Maraming salamat sa mga makakaunawa at please lang po no bashing. Isa lang po akong buntis na emosyonal kaya nagkakaganito.
4
41
Malaki yata ang problema mo sa buhay. Pareho pala tayo :<