Stress,Anxiety and Depression

0 5
Avatar for Krizzy
Written by
4 years ago

Ang stress,anxiety and depression are mostly created by ourselves. Madalas tayo rin ang nagbibigay sa sarili ng dahilan natin para mastress. May mga bagay na kahit di naman natin dapat isipin e hindi natin mapigilang isipin ng isipin na nagdudulot ng dahilan para mastress tayo. Mahirap labanan ang stress. At nakakatakot din itong kalaban minsan. Maraming nagpapapakamatay na ang mostly dahilan ay stress,anxiety at depression. Kapag stress ka hindi mo maiiwasan mag-isip ng kung anu-ano resulting to anxiety and in the end depression.

Naranasan ko ito noon at pati na rin hanggang ngayon. Pero ang pinakamalalang idinulot sakin ng stress ay nung nasa point pa ko ng buhay ko na tinitiis ko ang lahat at pilit tinatanggap kahit gusto ko ng isuka at makawala. Araw-araw sumasakit ulo ko. Lagi akong may sakit pero wala namang kahit na anong pwedeng maging dahilan kundi talagang masakit lang ang ulo ko to the point na inuuntog ko na siya sa pader o sa lamesa. Yung araw-araw iinom ako ng paracetamol para lang mawala panandalian yung sakit pero after ng ilang oras ayan na naman sya. Hanggang nagkaroon ako ng migraine. Yung dating isang tabletang paracetamol kada inom ay naging dalawa na. Antagal akong pinahirapan ng sakit ng ulo kong ito. Pero nung nakaalis ako. Nung panandaliang nakalaya ako sa parang hawla ng buhay ko nagulat talaga ako. Isang linggo lang biglang nawala lahat ng nararamdaman ko. Panibagong surroundings,preskong hangin. Maayos na kapaligiran at positive na mga tao. Yun lang pala kailangan ko. Hindi ko na kailangan uminom pa araw-araw ng gamot kasi kusa na lang syang naglaho na parang wala lang. Na hindi ako pinahirapan ng matagal na panahon. Na parang nagdahilan lang ako. Dun ako nagsimula magsearch ng dahilan kung bakit ko naranasan yung ganung kasakit at kahirap na experience. At nagulat talaga ako. Kasi lahat sintomas na meron ako ay angkop na angkop sa isang taong stress. Isang taong sobrang stress ang pamumuhay kaya nakakaramdam ng ganun.

So lahat ng paghihirap na naranasan ko ay dahil stress lang ako. Oo,stress lang. Pero di pala dapat nilalang-lang ang stress kasi nakakatakot o sobrang hirap ng pwede mong pagdaanan kapag stress ka. Marami nga diyan makikita mong pangiti-ngiti lang pero magugulat ka na lang isang araw nagpakamatay or nasira ang buhay ng dahil sa stress na pala sya sa buhay na meron sya. Kaya wag natin itong ilang-lang lang. Kung may dinaramdam tayo mas maigi humanap ng pwedeng mapaglibangan para maiiwas ang sarili sa pag-iisip. Or humanap ng taong mapagkakatiwalaan na pwedeng mong mapaglabasan ng sama ng loob mo. Nang sa ganun ay kahit papano mabawasan ang bigat na dinadala mo sa dibdib mo. Masarap ang may kaibigan o partner na mapagsasabihan ng iniisip o dinadamdam mo. Kaya kung ikaw ay nakakaramdam ng ganito wag mong solohin kaibigan. Maraming pwedeng makinig saiyo. At sa mga hinaing mo.

1
$ 0.00
Avatar for Krizzy
Written by
4 years ago

Comments