Sa panahon ngayon na naghihirap ang halos lahat ng tao dahil sa epidemya laking tulong talaga kapag ikaw ay isang raketera. Eversince nagstart ako sa online world malaki ang naitulong nito saming pamilya. Di pa nagkakaroon ng pandemya isa na akong maituturing na raketekang momshie. Lahat ng pwedeng pagkakitaan basta sa malinis na paraan pinapasok ko. Lalo na sa online. Nagsimula ako noong 2016. Sa umpisa di sya biro. Nagpuhunan talaga ako at masasabi kong natuwa ako sa unang customer ko kasi malaki talaga kinita ko. Pero after nun medyo humina na sya. Sa panahon kasi na yun medyo di ko pa gamay ang online selling. Kaya nag onhand ako ng bongga na di ko pala basta-basta maibebenta. Ang ending ng mga inonhand ko? Naging pangregalo ng dumating na pasko😅. Okay lang naman. Kumita pa rin naman ako kahit papano. Pero dahil sa karanasang yon natuto na ako. Mas maganda pala talaga mag-paorder ka muna. Kapag sure na ang order saka mo sya bilhin atleast di matetengga at kikita ka talaga. Buti na lang din may nagturo sakin ng ganun. At salamat sa kanila nagagamit ko sya hanggang ngayon. Madami na kong naibenta. At nasubukang pasukin na ibang raket pa. Sa totoo lang nakakatuwa itong experience para sakin. Hindi ko kailangan iwan ng matagal mga anak ko at kumikita ako kahit nasa bahay lang. Naiiwan ko lang sila kapag kailangan kong bilhin yung mga order sakin at ideliver sa mga customer ko. At swerte din naman ako kasi may supportive akong partner na tinutulungan ako sa pagdedeliver. Oo,minsan nagrereklamo sya dahil imbes na ipapahinga niya yung araw ng day off niya e napipilitan pa syang magdeliver. Pero naiintindihan naman niya na para din samin yung ginagawa ko. Mahirap kayang walang madukot kapag naubos na sahod niya. Atleast kapag nakakabenta ako e may nadudukot kami sa oras na maubos na ang budget na galing sa sahod niya. At dahil din dito sa mga raket ko nabibili ko yung mga bagay na dati pinapangarap ko lang o iniisip lang na balang araw e mabibili ko rin. Kumikita na ko ng pangkain may pangluho pa. O di ba? Kaya masaya talaga ako natuto ako sa ganitong uri ng hanapbuhay. Na para sa iba e mababang uri lang ng hanapbuhay. Pero kung tutuusin mas malaki pa kinikita namin kesa sa mga regular na empleyado. Basta matyaga ka lang kikita ka talaga dito. Hindi masamang sumubok ng kahit na ano. Basta alam mo sa sarili mong marangal ang ginagawa mo at wala kang naaapakang tao. Marami na rin akong naturuan at natulungan sa larangang ito. Masarap ishare sa iba kung ano yung nakatulong sayo at sa pamilya. Ayon nga sa kasabihan "Sharing is Caring!". At masarap sa pakiramdam na makatulong sa kapwa mo. Lalo na ngayong panahon ng pandemya. Maraming nangangailangan ng tulong para matuto sa ganitong paraan ng kitaan na kahit di umaalis sa bahay dahil bawal nga e kikita ka pa rin at mapapakain mo pa rin ang iyong pamilya. Sana lang tumagal pa at lalo pang lumawak ang kaalaman natin at ang mga paraan na pwede tayong kumita kahit sa simpleng paraan. At para sa mga katulad kong mommies na stay at home. Walang masamang sumubok basta alam mong makakatulong ito para sayo at sa pamilya mo.