Pospartum Depression

0 30
Avatar for Krizzy
Written by
4 years ago

Ano nga ba ang pospartum depression? Marami ang hindi nakakaintindi kung ano nga ba ito at ano ang maaaring idulot nito sa isang Ina.

Ayon sa Psychiatrist ang pospartum depression ay maaaring maranasan ng isang bagong panganak at hanggang sa umabot na sa ika-pitong gulang ang kanyang anak. Meaning hindi lng buwan o isa,dalawa o tatlong taon ang bata pwede maranasan ng isang ina ang depression na ito. Ito'y pwedeng maranasan hanggang sa ika-pitong taong gulang na ng ating mga anak.

Ano-ano nga ba ang sintomas na merong pospartum depression ang isang Ina? Or kung dumaranas ng prospartun depression ang iyong asawa o ang isang Ina?

👉If madali kang magalit or madaling mairita kahit sa isang maliit na bagay na hindi mo gusto at feeling mo hindi ka naiintindihan NG ibang Tao.. THAT'S POSTPARTUM

👉If hindi ka makatulog the whole day kahit wala kang ginagawa at buong araw ka nang nakahiga.. THAT'S POSTPARTUM

👉If may iniisip ka na matagal pa mangyayari pero excited ka nang gawin ito at marami ka nang naiisip na output nito..THAT'S POSTPARTUM

👉 OVERTHINKING, INSECURITIES, JEALOUSY... THAT'S POSTPARTUM

👉Pinaka hate mo sa bahay ay si Mister. Specially kung hindi ka pinakikinggan,ayaw sumunod,mga decision na conflict sa gusto mo at hindi ka na iimik, nagdadabog kana, ayaw mo nang makinig sa mga sasabihin ng asawa mo..

Dahil yung brain at body mo raw ay ayaw mag communicate....

Dahil nung manganak ka lahat nang nutrients mo ay down..

(Para kang nag shutdown)..THAT'S POSTPARTUM

👉Overwork sa bahay,kahit anu nalang maiisip,dahil feeling mo na bored ka na,feeling mo ang dumi ng bahay kahit hndi naman.. THAT'S POSTPARTUM

👉PANNICT ATTACK...kahit napakaliit na problema at kayang-kaya namang solusyonan pero nagpapanic ka.. THAT'S POSTPARTUM

👉So mula nang manganak ka,1 year ang recovery,pero possible nga always syang nasa saiyo kung di mo kayang e relax sarili mo, swerte ka kung hindi sakit ng ulo asawa mo, dahil sya ang papalit sa responsibilities mo, UNDERSTANDING ang pinaka the best na meron ang hubby mo dahil sa panahon na di mo kayang mag-adjust ay siya ang gagawa nito, dahil hindi ito natatakasan.

Wag bibigyan ang bagong panganak ng mga bagay na di niya gusto dahil kahit gusto nyang intindihin yun,yung puso't isip nya hindi magkasundo.

Maging maunawaing asawa sa lahat ng oras at bagay.

☝️Tandaan: Wag gawing biro ang Pospartum Depression. Hindi ito isang simpleng bagay lang na pwedeng baliwalain o ipagsawalang bahala lang. Maraming Ina ang nakakasakit ng mga anak nila kahit ayaw nila. Laging inaaway ang asawa nila kahit di nila gusto pero di nila makontrol ang sarili nila. At maraming Ina ang nagpapakamatay dahil sa depression na ito. Kaya sana kapag nakakita kayo ng ganitong senyales sa inyong mga asawa or sa sarili ninyo ay wag itong iagsawalang bahala lang. Kumunsulta or maghanap nag paraan para ito'y maiwasan.

3
$ 0.00
Avatar for Krizzy
Written by
4 years ago

Comments