Nakakapagod Na!

4 118
Avatar for Krizzy
Written by
4 years ago

Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay paulit-ulit na lang ang nangyayari. Gigising ka sa umaga. Maghahanda ng almusal para sa pamilya. Mag-aasikaso ng mga anak. At iintindihin pati ang asawa. Mag-iisip kung ano ang uulamin sa tanghalian at maging sa hapunan. Mamamalengke,magluluto at maglilinis ng tahanan. Araw-araw kailangan makisama. Kailangan magpanggap na okay lang kahit hindi na. Kailangan kumilos kahit pagod na pagod na. Dahil walang ibang gagawa nito para sa iyong pamilya.

Pero ang tanong naaapreciate ka ba? Lahat ng effort at pagod mo para pamilya ay napapansin ba? Nakikita ba nila kung gaano mo pinangangalagaan at inaasikaso sila? May silbi ba lahat ng sakripisyo mo para sa kanila? Sino ba tayo bilang isang Ina para sa kanila? Isang ilaw ng tahanan o isang kasambahay lamang? Andaming tanong saking isipan. Kahit anong effort ko. Kahit anong gawin ko. Lahat ng sakripisyo ko. Parang balewala lang sa kanila.

Nakakapagod mag-isip. Nakakapagod magsalita. Nakakapagod kumilos para lang sa kanila. Lalo na kung ang lahat ng ito ay tila balewala lang at walang kwenta. Hindi madaling maging isang ina. At ibuhos lahat ng atensyon mo para sa pamilya. Yung halos buong mundo mo ay umiikot para lang sa kanila.

Pero bilang isang Ina,may choice ba tayo? Pwede ba tayong mamili ng gusto natin? Pwede ba nating sabihin na tayo'y pagod na? Pwede bang kahit minsan lang ay piliin natin yung choice na para satin? Hindi pwede di ba? Dahil ang gawin ito ay pagiging selfish na. Magiging selfish tayo sa paningin ng iba. Wala tayong karapatang magreklamo. Wala tayong karapatang maging selfish. Dahil pinili natin ang buhay na ito. Ang maging isang Ina at ilaw ng tahanan niyo.

Oo,nakakapagod! Nakakasawa na rin kung minsan. Ang sarap magreklamo! Ang sarap ipagsigawan sa mundo ang nararamdaman ko! Pero hindi pwede,hindi maaari. Dahil pinili ko ito,kailangan panindigan ko. Pero sana kahit minsan lang. Kahit isang beses man lang. Makita nila yung effort mo. Makita nila yung halaga mo. Makita nila kung sino ka ba sa pamilya niyo. Yung worth mo sa buhay nila at sa pamilya niyo. Nang sa ganon kahit minsan lang gumaan ang pakiramdam mo. At mabawasan ang bigat sa dibdib mo. Dahil tao rin tayo. Napapagod at nagsasawa rin sa hirap ng mundo...

2
$ 0.00
Avatar for Krizzy
Written by
4 years ago

Comments

Aba ikay mag pasalamat dahil nagigising ka sa umaga. Magulat ka pag nagising ka gabi 🤣. Kung di ka nila na appreciate go parin dhil ang buhay mo ay naka depende sayo di sakanila dear. Nang iyong isuko ang bataan marahil naisip mong pwede kang mag dalang tao. Kaya ikaw ay walang karapatan mag reklamo o mapagod. di mo rin pwede e sisis sa mga anak mo dhil kung pwede lang nila sabihin sayo na" di ko naman gusto e panganak din e" baka masaktan ka lang. Ang sakit na nararamdaman ay itatago mo nalang. ganun talaga.

Ang mahalaga silay nakikita mong nag lalaro at masaya sa umaga. Napapakain sa tanghali at napapatulog sa gabi. At sempre Ingatan mo rin ang iyong sarili.

$ 0.00
4 years ago

Yun pong effort nyo at nakikita mong maganda buhay ng pamilya mo mas higit pa po sa appreciation yun ate.. kahit ulit ulit po yan hanggat nagagampanan mo ang pagiging ina at asawa ate maniwala ka your more than appreciated.. hindi mo pati po nabanngit ang pera.. namamalengke ka luto... wala kang money problem.. ang pag aaruga mo sa pamilya mo ng maayos tulad po ng ginagawa nyo ay dapat kaligayahan nyo na po yun.. i dont want to say anything to offend you.. pero nasa iyo napo lahat ng kelangan nyo sa buhay.. you just don't see it the way it supposed to be.. Godbless you and your family.. your a great mother and a wife..

$ 0.00
4 years ago

Thank you,maybe nakakaramdam lng aq ng ganito dahil malapit na q sa point to have a pospartum depression pero pilit kong iniiwasan magkaroon nun. Nagiging emotional din lng aq kc malapit na kong manganak ulit sa bunso nmin. Un din sabi ng doctor q. Kaya pipilitin kong wag na makaramdam ng depression. I appreciate your comment😊

$ 0.00
4 years ago

Naku po.. delikado ang pospartum.. easy kalang po.. mahirap po ang pospartum nabasa ko.. take care po

$ 0.00
4 years ago