My Travel

0 15

Simula teenage life ay lakwatsera na talaga ako. Kung saan-saan na ko nakarating na lugar dito sa Pilipinas. Sa mga napuntahan ko ang hindi ko na lang siguro nalilibot o talagang nadadayo ay ang Mindanao part. Pero sana soon makarating din ako dun at mabisita ang Kuya ko na nakatira dun sa probinsya ng asawa niya sa Surigao.

Ang isa sa mga di ko malilimutang travel ay ang pagpunta ko sa ibang bansa. At yun ay sa Malaysia at Singapore. Nakarating ako sa Singapore as an OFW. Oo,nagtrabaho ako dun ngunit di pinalad na magtagal dahil sa di inaasahang sirkumstansiya. Di ko na ipapaliwanag pa kung ano yun kasi medto disapointed ako hanggang ngayon.

Sa Malaysia,ilang beses na akong nakarating. Dun naman ang purpose ng pagpunta ko ay para mamasyal. Although di ako masyado talagang nakakaikot kasi yung tourist ko doon ay di lagi available at ayoko rin naman mag-ikot mag-isa. Pero masasabi kong sulit naman ang pagpunta ko. Masasarap ang pagkain nila. Lalo na ang mga Indian Foods na madalas namin orderin dahil sa anghal niya na nakakaaddict talaga. Mahilig din ako sa noodles kaya walang problema sakin ang Malaysian foods na madalas more on noodles kami.

Sa limang beses na pagpunta ko sa Malaysia ay marami rin akong napuntahan. Marami din akong sosyal na mga Club na puro pangmayaman lang ang nakakapasok. Hindi dahil sa member ako dun. Kundi member kasi ang kaibigan ko doon. At di ka basta-basta makakapasok kung hindi ka member sa clubs na pinupuntahan namin. Iba't-ibang coctails,drinks and foods at iba't-ibang klaseng mga tao ang aking nakahalubilo. Sana makapunta ulit ako doon. Namimiss ko na rin ang Malaysian foods at ang maaanghang na Indian foods.

Sana kapag natapos na ang pandemic na ito ay bumalik na ulit ang lahat sa normal. Na maging maayos na ulit ang lahat at walang ng dumating pang bagong pagsubok sa buhay natin. Na lahat ng nawalan ng trabaho ay magkaroon na ng panibago. Lahat ng nalugmok ay makatayo ulit. Lahat ng naudlot ay matuloy na. Pati ang pagtravel na hilig nating gawing lahat. Maraming sana ang aking hinihiling at sana'y matupad po ito aming Ama sa langit.

1
$ 0.00

Comments