My Sister,My Bestfriend

0 18
Avatar for Krizzy
Written by
3 years ago

Marami din naman akong naging kaibigan. Maraming tinawag na sis,girl,besh,beshtie,friendship,cheekie and beshy. Ngunit sa lahat ng mga naging friendship ko walang tutumbas sa Ate ko. Nag-iisa sya sa mundo! Simula pagkabata kapag may nang-aaway sakin lagi syang to the rescue. Makita niya pa lang akong umiiyak habang papalapit sa kanya ay alalang-alala na sya at tatanungin agad ako kung sinong nang-away sakin. Well,tampulan kasi ako ng tukso nung bata pa ako. Dahil nandyan c Ate,di ako marunong ipagtanggol ang sarili ko. Ate's girl ehh,hehe. Hanggang sa paglaki namin kaming dalawa pa rin ang magkakampi. Wala naman kasing ibang tutulong saming dalawa kundi kami rin ehh. Dahil lumaki kami sa broken family. At ngayong malaki na kami ako naman ang tagapagtanggol niya. Kung dati lagi syang to the rescue sakin kapag may nagpapaiyak sakin. Ngayon naman ay baligtad na. Ako naman ang sumasaklolo sa kanya. Masyado kasing mabait ang ate ko. At dahil sa kabaitan niya lagi syang inaabuso. Laging sinasamantala ang pagiging mabuti niyang tao. Na pinapagsawalang bahala niya naman. Subalit sakin ay hindi uubra ang ganun. Di nila pwedeng apihin ang mahal kong Ate. For me she's the best in everything. Kaya kaming dalawa ngayon ang in tandem. Ako ang nagtatanggol sa kanya subalit sya naman ang tumutulong sakin sa oras ng kagipitan ko. Tulungan kumbaga. Ganun naman talaga ang magkakapatid di ba? At alam kong hanggang sa pagtanda namin ay walang iwanan. Sya ang pinaka the best of bestfriend sa buhay ko. My Sister,my bestfriend!!

3
$ 0.00

Comments