Lahat naman siguro tayo dumaan sa pagkakaroon ng crush. Simula elementary to highschool to college and even when we became adult nagkakacrush pa rin tayo. Hindi yan nawawala sa tao. At natural lang yan sa atin. Well,crush lang naman ehh. Walang masamang magkacrush. Sabi nga nila, "Crush is paghanga sometimes nawawala,sometimes lumalala",haha.
Pero itong secret crush ko,sobrang tagal na. As in inamag na ng panahon pero until now di pa rin sya nawawala. Pero hanggang dun lang naman yun. Hanggang crush lang. Hindi naman sya lumala to the extent na main love ako dun sa tao. Hanggang crush lang talaga. Period!
It's all started when I was in highschool. First year highschool ako ng una ko syang makilala. Anong nagustuhan ko sa kanya? Well, he's kind of cute. Tall,white and handsome kumbaga ang peg. The traits na gusto ko talaga sa lalaki. I like his smile,and kapag tinataas nia yung hair niya kasi may bangs sya. Ay shemay! Ang cute ng noo nia na heart shape at sobrang puti dahil laging natatakpan ng bangs niya.
Sa unang araw ko pa lang sa school ko na yun ng highschool ay isa na sya sa unang nakilala ko at nakagaanan ng loob. Can you imagine na dahil sa isang simpleng biruan ay naging matalik kaming magkaibigan? Yes,we became bestfriend. At ano yung biruan namin na nagpasimula ng aming pagkakaibigan? It started with a confession na naging isang biro na lang samin.
Yes, I confess to him and to my surprise he confess also. To make it simple? Sinabi ko sa kanya na crush ko sana sya kaso mayabang sya. And he replied back na crush din daw niya sana ako kaso mayabang din daw ako. Period! Yun na yun! After that confession nagtawanan na lang kami and then we became bestfriend. A girl and boy bff.
Nung first year namin sa highschool ay magkaklase kami. Magkasangga sa kahit na anong bagay. And even nung second year namin na nagkahiwalay kami ng section ay di pa rin nawawala ang aming pagiging matalik na magkaibigan. But in my third year,nawalan na kami ng total communication. Dahil nagtransfer ako sa province in an unavoidable situation.
Matagal din na panahon bago kami muling nagtagpo. Wow,lalim di ba? Nagtagpo talaga,haha. And that is thanks to facebook. We are adult now. It's been 17 years bago kami ulit nagkaroon ng communication. Oo,ganun katagal. At dahil yun sa social media. Sabi nilang mga friends ko sa same school noon,antagal daw nila akong hinanap nung nagstart magkafacebook. Pero since di ako ganun kaactive sa kahit na anong social media ay natagalan silang mahanap ako.
At yun nga,nung nakita nila ako. Inadd sa fb friends nila nagdecide kami to make a small reunion. Nakakatuwang makita ulit ang mga matagal mong di nakitang mga kaibigan. And ang makita muli c bff/crush. Oo,ng magkita kaming muli I realize na I still have a crush on him. But that time he is in a relationship. So,keme lang ang peg. Quiet lang ako at tahimik na nagmamasid. Pero I'm still happy na sa tagal ng panahon e bff pa rin pala ang tingin niya sakin at masaya rin syang nagkita kaming muli.
Dun na ulit nagstart ang communication namin. Although magkalayo kami ng lugar kasi yung reunion namin ay naging parang farewell party niya na rin dahil paalis sya ng bansa to try an opportunity abroad. Yes,umalis sya ng bansa pero di na nawala ang communication namin. Isa ako sa naging sumbungan niya,hingahan niya ng problema at chat mate kapag bored sya. And it's okay for me kasi kahit matagal na ang lumipas he is still my bff pa rin sa isip at puso ko.
Until now na nakabalik na sya ng bansa paminsan-minsan nag-isstalk pa rin kami or maybe ako sa mga fb wall namin. We like each other's post and comment paminsan-minsan. We can't have a relationship more than a friend kasi he have a live-in partner now and I also have mine. Pero okay lang sakin yun. Gaya nga ng sabi ko I only have a cruah on him pero hanggang dun na lang yun. No more,no less. I'm happy with my partner now and I can see na masaya rin naman sya. We can be forever bff and no more than that. That is I can guarantee. True friends are priceless and hard to find in this big and scary world di ba? Kaya I want to keep my friends na alam kong true sakin. At yung secret crush ko. Ibabaon ko na lang yun hanggang sa huli. I will never admit it again to him to ruin our friendship. Kayo,anong kwento meron sa secret crush niyo?