CS Versus Normal Delivery

0 8

Akala ng lahat kapag CS ka na manganganak e maarte ka lang. Na ayaw mo lang maranasan ang hirap ng paglelabor. Na kapag nahiwa ka na e tapos na ang lahat at magpapagalong ka na lang ng sugat na dulot ng CS. Ito po ay isang maling akala. Ano nga ba ang CS o Cesarean?

Kapag ang isang buntis ay hirap sa pagbubuntis niya. May heart problem o may kondisyon na hindi niya talaga kayang mailabas ng normal ang kanyang baby ay kinakailangan niyang dumaan sa proseso ng CS o Cesarean. Kailangan hiwain ang tiyan niya upang makalabas ang sanggol sa kanyang sinapupunan para maging ligtas silang dalawa ng bata.

Pero hindi porke't na CS ka na ay ligtas ka na. Madami pang pwedeng mangyari after ng operation. Marami pang sakripisyo na kailangan danasin ang isang ina after ng operasyon sa kanila. Isa na dito ang bago operahan ay tutusukin ka ng napakalaking karayom sa iyong likuran. Na recently nabasa ko sa isang article na kapag nasa earlt 40's ka na ay dun mo mararamdaman ang kumplikasyon o late reaksyon ng katawan mo sa injection na yun. Yung hirap na hirap ka na umupo ng ayos. Laging masakit ang likod mo at gusto mo na lang lagi itong ihiga dahil di ka kumportable na nakaupo o nakatayo ka lagi. Isa yun na kinakatakutan ko pagdating ng early 40's ko.

Yes,isa rin akong CS mommy. At naranasan ko lahat ng di ko naranasan sa normal delivery ko sa dalawa kong anak. At ang isa rin sa di ko malilimutan sa CS experience ko ay yung hindi ka pwedeng kumain o uminom ng tubig sa loob ng 24 oras. Yung hindi kumain ay kaya ko. Pero yung hindi uminom,ay grabe gustong-gusto kong umiyak kasi sobrang nakakauhaw talaga. Pero tiniis ko yun alang-alang sa kaligtasan ko.

Napakaraming sakripisyo ang CS mommies. Hindi lang isang buwan mo kaylangang magpagaling sa sugat na dulot ng hiwa sa iyong tiyan. Anim na buwan bago maghilom ng tuluyan ang sugat sa labas ng tiyan mo. Subalit tatlong taon bago tuluyang maghilom ang sugat sa loob naman ng tiyan mo. Dobleng ingat,dobleng sakripisyo. Konting pagkakamali pwedeng bumuka sugat mo at maimpeksyon. Bawal magbuhat,bawal mabinat. Bawal ang ganito,bawal ang ganyan. Mahirap pero kinaya ko naman.

Ano naman ang sa normal delivery kumpara sa CS? Well,sa normal delivery masasabi kong mahirap din talaga. Sa paglelabor pa lang sobrang sakripisyo na ang kailangan mo. Sobrang sakit na tila mahihiwa o mahahati ang katawan mo sa dalawang parte. May iba't ibang tagal o uri ng paglelabor. Merong inaabot ng ilang araw. Meron namang ilang oras lang. Sa dalawa kong anak laging 12 oras akong naglelabor. Grabeng sakit talaga. Walang katumbas sa mundo ang mararamdaman mo.

Sa normal delivery ang kagandahan lang yung sakit na nararamdaman mo during labor time e tila napapawing lahat kapag nailabas mo na ang anak mo. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag sumipa ang anak mp at naramdaman mo yun sa magkabilang hita mo. Pati yung iyak niya ay tila musika na sa iyong pandinig. Tila lahat ng pagod at hirap mo ay napawi lahat.

Oo,ang normal delivery ay mahirap din. Sabi nga nila nasa hukay ang iyong mga paa kapag manganganak ka. Pero ang kagandahan lang kasi sa normal delivery ay kapag nanganak ka na konting pahinga lang makakakilos ka na agad. Ilang linggo lang nakakalaba ka na. Naaasikaso mo na ang iyong pamilya. Although need pa rin mag-ingat para wag mabinat pero at least nakakatayo ka na sa sarili mong mga paa. Walang masyadong worries ika nga.

Kaya para sa kaalaman ng lahat mas okay pa rin ang normal delivery para saming mga mommies kesa sa CS kasi mas madali ang healing process at mas mura din ito. Sa normal delivery pwede ka manganak kahit sa lying in lang. Less gastos less gamot. Pero sa CS kailangan sa ospital talaga. Kailangan iconfine ng ilang araw at naku yung gastos ay grabeng laki. Kaya wag mo nating sasabihin na ang mga CS mommies ay nag-iinarte lang at takot sa labor process. Dahl katulad ko na nakaranas ng dalawang beses na normal delivery tapos biglang sa ikatlong anak ko ay naging CS ako. Hindi ko po ginusto yun. Dahil kung papipiliin ako mas gugustuhin ko pa rin ang normal delivery lalo na at makakaless ako sa gastos. Nagkataon lang talaga na kaya ako na CS ay sa kadahilanang ayaw lumabas ng baby ko. Ayaw bumuka ng pwerta ko pero paubos na ang tubig sa katawan ko. Kaya ang naging ending namin is emergency CS na. At ngayon ay malapit na naman ang aking kabuwanan para sa aking ikaapat na anak. At sabi ng doctor ko? Magready na raw ako kasi sigurado CS na naman daw ako. Dahil dalawang taon pa lang yung sinundan nito. Ayos lang,panibagong sakripisyo pero alang-alang samin ng baby ko ay handa ako sa lahat. Kaya mga mommies,think positive even the world right now is getting negative because of the pandemic. Keep safe everyone!

1
$ 0.00

Comments