Bakit Kaya?

0 28
Avatar for Krizzy
Written by
4 years ago

Bakit kaya andaming epal sa mundo? Yung tipong kahit hindi mo naman kilala e pinakikialaman ka sa mga ginagawa mo? Parang katulad na lang ng mga tsismosa. Ang hilig ay makialam at itsismis ka sa iba. Bakit kaya hindi na lang nila pakialaman ang mga sariling buhay nila? Sa ginagawa ba nila e tingin nila aasenso sila? Di ba nila maisip na di sila nakakatuwa? Na minsan nakakasakit na sila ng damdamin ng iba. Sa 32 years ko dito sa mundo. Di ko lubos maisip kung bakit may mga ganitong klaseng tao. Akala mo naman mga buhay nila ay perpekto. Na walang mali at pwedeng maipintas sa kanila. Ayokong magsalita,ayokong mag-isip ng masama sa kapwa. Dahil hindi ko gawaing pakialaman ang kapwa ko. O itsismis ang ibang tao. Kaya sana naman yung mga gumagawa nito. Maisip nila na hindi na maganda at nakakaperwisyo na sila. Na maraming ibang bagay na pwedeng pagkaabalahan. At hindi lang ang sa buhay ng iba ay makialam. Napakaraming magagandang bagay sa mundo. Ang pwedeng pagkaabalahan ng ibang tao. Mga may kwentang bagay na pwedeng libangan. Or pwede rin namang pagkakitaan. Kaya sana naman sa mga taong walang maisip na gawin. Kundi ang pakialaman buhay ng iba. Ay maisip nila na may mga ibang bagay pa ang pwede nilang gawin sa mga buhay nila. Nang sa ganun ay magkasilbi naman sila. Dito sa ating magulo ng lipunan na dinadagdagan pa nila ng problema..

4
$ 0.00

Comments