A fangirl who stepping out of her comfort zone

6 6216
Avatar for KristineLife
3 years ago

Lahat ng fans ay naghahangad na maka punta sa concert ng kanilang iniidolo, pero karamihan sa mga ito ay hindi afford ang pagbili ng tickets, kagaya ko.

Pero nagkaroon ako ng pagasa noong sumali ako sa isang group chat ng mga kagaya kong fans, hindi ko akalain na mapipili ako mabigyan ng ticket sa darating na concert ng aking iniidolo, pero nagkaroon ako ng doubt.

1. Ako ay isang introvert

Introvert- a person who prefers calm environments, limits social engagement, or embraces a greater than average preference for solitude.

Source: Dictionary.com

Kahit isang fans wala akong naging kaibigan, usually sa chat ko lang sila nakaka usap iba parin kapag sa personal, natatakot ako na baka wala akong maka usap doon, takot akong ma-OP or out of place.

Image source: Pinterest

2. Takot ako bumyahe mag-isa

Simula bata pa lang ako hindi ko na kaya ang mag isa, nasanay ako na palaging may kasama lalo na kapag sasakay ng jeep or kahit anong sasakyan, hanggang highschool ay ganon ang nakasanayan ko.

Image source: Pinterest

Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako, bigla kong naisip yung mga naghahangan na makakuha ng ticket na to, yung iba nagiipon para makabili lang at makita ang idol nila, samantalang ako pupunta nalang.

Nilakasan ko ang loob ko at nagpa alam kay mama, una hindi talaga sya payag dahil alam nya na hindi ako marunong bumyahe, pero ako mismo nagulat sa sarili ko at sinabi ko sakanya na "Ma, kaya ko po to." pinagkatiwalaan ako ni mama, kaya pumayag sya, pero halata sa mata nya na nagaalala sya para sakin.

March 30, 2019

Umalis ako na ang tanging dala-dala ko lang ay 100 pesos sa bulsa ko at syempre ang lakas ng loob, na realize ko na ganito pala talaga kapag humahanga ka sa isang tao, handa mong baguhin ang sarili mo.

Inalis ko lahat ng takot ko at bumyahe ng masaya, parang ibang tao ako nung araw na yun, hindi ako natakot makipag usap, magtanong kung saang lugar na ba ako.

Hindi po ako ang nagkalat nyan hahaha

At finally nakarating narin ako sa Smart Aranete Coliseum kung saan gaganapin ang concert.

Sobrang daming tao, hindi ko alam kung saan ako magsisimulang humakbang, hindi pa naman nagsisimula ang concert kaya marami pang nakapaligid sa isang fast food na mga kumakain ng mga fans, umupo ako sa gilid at binuksan ang cellphone ko at syempre si mama ang unang bumungad sakin, sabi nya sa chat, "nasaan kana?" kaya naman sumagot ako na "nandito na po ako" tumawag sya sakin para makasigurado kung kamusta na ako dahil nagaalala parin sya, halos ilang minuto din kami nag usap dahil nga wala naman akong nakausap dito.

8:30PM

Magsisimula na ang concert, marami ng tao ang nakapila papasok sa Coliseum, kaya sumunod ako sa pila, hanggang sa maka pasok na ako.

Umupo ako sa bandang gitna para kitang kita ko at may umupo rin sa tabi ko kaya nakapag usap usap kami about sa aming idol, sobrang saya ko that time kasi nakahanap ako ng makakasundo ko at naisip ko unti-unti ko nang tinatanggal ang pagiging introvert ko.

Nagpapasalamat ako sakanila dahil tinulungan ako na mabago yung sarili ko in a good way.

Sila yung mga nakatabi ko

Hanggang sa matapos ang concert, mas marami pa akong naging kaibigan, walang ng mas sasaya pa sa araw na iyon, hindi ko akalain na magiging ganon kalaki ang impact sa buhay ko, masasabi ko talaga na nabago ako nito, nabago ako ng pagiging isang fangirl.

Until now, dala dala ko parin ito, mas naging pala kaibigan ako, kaya ko na bumyahe na magisa na walang takot, masasabi ko na hindi narin ako gaano ka introvert pero hindi parin naman extrovert.

Sa isang araw na yun ang daming nagbago, kaya hindi talaga masama ang sumubok, mag take ng risk, lakasan ang loob at higit sa lahat ang ngumiti.

At last, hindi ako magiging fangirl kung wala akong iniidolo (syempre😁), maraming salamat dahil sa pagbibigay inspirasyon.


At dito na natatapos ang kwento ko, alam ko simple lang ito para sa iba pero para sakin naging malaking parte ng buhay ko ang nabago sa simpleng pagkakataon na ito.

Maraming salamat sa pagbabasa, hindi ako magaling mag kwento, ako po ay bago pa lang magsulat dito, maraming error pero handa po akong matuto.

Till my next story!

Annyeong!

1
$ 0.13
$ 0.10 from @LucyStephanie
$ 0.03 from @ARTicLEE
Sponsors of KristineLife
empty
empty
empty
Avatar for KristineLife
3 years ago

Comments

Waw ang saya naman. Iba talaga ang nagagawa ng determinasyon. Hahaha. I also feel proud of you. πŸ˜„ Na-experience ko na rin yan nag-meet kami ng online friend tapos nanood kami ng Jason Mraz concert. Saya lang.

Di ako familiar sa The Aces... Check ko nga sila. :) In fairness, ok pala mga kanta nila.

$ 0.01
3 years ago

Masaya po pala mag team concert haha sobrang laking impact sakin at marami akong natutunan na nagpabago talaga sakin.

Sa the aces po tatlo po sila nila ni miss lani, jona at si darren espanto po, pero si darren po talaga yung pinuntahan ko jan haha.

$ 0.00
3 years ago

Ayyy maling The Aces pala yung napakinggan ko. Akala ko foreign band. Hahaha.

Anyway oo masaya lalo if kasama mo fan din.

$ 0.00
3 years ago

True po, walang negative vibes talaga eh. Saya lang. 😊

$ 0.00
3 years ago

Mabuti naman at naging maganda ang naidulot ng experience na yan sayo at marami kang naging kaibigan. Malaking pasalamat din sa mama mo dahil sa tiwala nya sayo. Habang maaga, dapat matuto na tayong tumayong mag-isa at magandang oportunidad yan na nangyari sa yo.

$ 0.01
3 years ago

Opo, dahil din siguro sa tiwala ng mama ko kaya naging ganito ako, kaya dapat hindi lahat ng parents nagiging mahigpit sa anak nila kasi dito nila makikita yung pag grow ng children nila. 😊

Btw, maraming salamat po sa pagtiwala sakin, kahit hindi pa ako ganon kagaling mag sulat, God bless you.

$ 0.00
3 years ago