Minsan ba ay naramdaman mong parang ayaw makipag-cooperate ang sarili mo? Masyado bang marami ang bumabagabag sa iyong isipan? Maaari bang ito ang pangunahing sanhi ng pagkabag mo, o mayroong isang mas malalim na dahilan kung bakit tila nababagot kang gumawa ng isang bagay?
Para sa artikulong ito, ibabahagi ko ang mga bagay na ginagawa ko sa tuwing umiiral ang aking pagiging pagkabagot. Maaring ang iba sa aking sasabihin ay ginagawa mo rin. Kung sakaling wala sa ibaba ang ginagawa mo, mangyaring ilagay ito sa comment section para malaman din namin.
I-uninstall na lamang ang app
Kung nadidistract ka ng isang bagay sa iyong cellphone, kagaya ng mga mobile games, at hindi mo talaga mapigilan ang iyong sarili na laruin ito, iuninstall mo na lamang gaya ng ginagawa ko.
Yan ang pinakabest na solusyon kapag talagang gusto mong iwasang matempt sa pinaka=aadikan mong laro o app sa cellphone mo.
Kumuha ng libro at basahin ito
Kapag gusto mong abalahin ang iyong isipan kapag walang magawa, sa halip na gumamit ng cellphone ay magbasa na lamang ng libro. Maiiwasan mo na ang radiation, may matututunan ka pa.
Alam kong hindi lahat ay mahilig magbasa pero subukan mo lang kaibigan. Matututunan mo ring mahalin ang pagbabasa lalo na kapag ang iyong binabasa ay nagbibigay aliw sa iyo, o dikaya ay sinulat ng iniidolo mo.
I-mute ang notification ng app na hindi naman talaga importante
Kung mapapansin mo, may nagpopop-up na mga notifications sa iyong cellphone mula sa mga apps na naroroon sa iyong cellphone. Minsan, kapag tinurn on mo ang data o wifi, mas rarami pa ang notifications.
Ngayon, ang gawin mo ay pumunta sa settings a piliin ang apps. Iturn off mo ang notifications ng mga app na hindi naman mahalaga. Gawin mo ito para di ka madistract kapag may ginagawa ka.
Minsan kasi kapag busy ka sa pagbabasa at bigla na lamang nagpop up ang notification mula sa nilalaro mo, may tendency na ioopen mo ang app na yun. As a result, mapapalaro ka na lang at bigla mong makakalimutan ang ginagawa mo.
Magpatugtog ng mga kanta
Kapag naramdaman kong nawawalan na ako ng konsentrasyon, nagpapatugtog lang ako ng musika mula sa aking cellphone. Isasara ko sandali ang aking mga mata sa at subukang makinig sa kanta. Sa ganoong paraan, matutulungan ko ang aking sarili na kumalma. Sa pamamagitan nito, maibabalik ko rin ang aking pokus at handang ipagpatuloy ang aking ginagawa. Subukan mo lang ito sa iyong sarili kung nais mong maranasan ang pagiging epektibo nito.
Tandaan lang, huwag kang magpatugtug ng nakakaantok o di kaya naman yung mapapasayaw ka. Baka bigla ka na lamang matulog o sumayaw ng wala sa oras.
Magset ng schedule
Mas makakabuti kung mayroon kang isang kalendaryo ng mga kaganapan o listahan ng mga dapat gawin. Dati, hindi ko sasabihin na gusto kong gawin ang bagay na ito dahil ang iskedyul ko ay hindi ganoong ka-hectic. Ngunit ang mga bagay ay nagbabago, natutunan kong maging mas maayos o organized.
Sa pananaliksik, maraming mga indibidwal ay walang anumang schedule ng mga kaganapan. Marami rin ang hindi man lamang gustong subukan na gumawa ng isang listahan ng mga dapat nilang gawin o anumang plano sa kanilang araw.
Hindi naman masamang gumamit ng mga apps na kinagigiliwan o maglaro sa cellphone. Ang masama ay kung wala kang disiplina at hindi mo na maiwasan ang iyong sarili.
Kaya't hangga't maari, piliin mong gawin ang bagay na makakapagpabuti sa iyo Huwag ang bagay na magbibigay sa iyo ng pansamantalang kaligayahan lamang.
Closing Remarks
If you have anything in your mind regarding this article you have just read, you can openly voice it out. I will be happy to hear from you. I hope you did not just find it fascinating. I also hope that you get the point here. After all, we are all humans, and we all have a choice. But when you are given one, make sure to make the most of it and choose the right one. Thank you for being here!
You may follow me in noise.cash too if you want. Here is my profile:
My name there is Kordapiopo. Mabuhay!
Ang witty ng title haha. Ginagawa ko rin ang ilan dito pag nadidistract ako. 🙂