Epekto ng Pandemya sa Edukasyon

0 751
Avatar for Kiro
Written by
3 years ago

Mahigit isang taon na nang lumaganap ang pandemya at maraming hakbang na rin ang naipatupad upang maiwasan ang pagkalat nito. Kasama nito ay ang health protocols gaya ng pagsuot ng face shield at face mask. Sa larangan naman ng edukasyon, ang pag-aaral ay naging online o di kaya’y modyular. Bukod pa rito, naging matagumpay rin ang mga eksperto sa paggawa ng bakuna laban sa virus.

 

Kahit pa man masasabi na isa ang mga mag-aaral sa dapat unahing mabakunahan upang maibalik na ang dating mas epektibong paraan ng pagkatuto, hindi mapagkakailang na kulang pa sa bilang ang mga bakunang dumarating kung kaya’t ang mga frontliners pa lamang ang mga mababakunahan. Walang nakapagsasabi na magkakaroon ng pandemya kaya naman labis ang paghihirap ng Pilipinas sa pagharap nito dahil ang bansa ay hindi pa handa. Kasama dito ay ang hindi kahandaan ng mga estudyante at guro sa pagbabago ng sistemang pang-edukasyon.

  

Karamihan sa mga estudyante ay nagpapahayag sa kanilang mga saloobin sa internet kung paano sila lalong pinapahirapan ng pag-aaral dahil sa pagbabago. Kasama nito ay ang kanilang kagustuhan na magkaroon ng academic freeze at academic break. At bilang isang mag-aaral, hindi ako tutol rito subalit maraming ebidensya ang magpapatunay na hindi epektibo ang pag-aaral sa panahong ito. Nawalan ng saysay ang pag-aaral dahil wala namang naihatid na aral.

 

 

2
$ 0.34
$ 0.34 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Kiro
empty
empty
empty

Comments