Sa article kong ito "Hindi ko po nilalahat ha, dahil patungkol ito sa mga "Step-mother..
Lumaking broken Family ang aking Partner' maliit pa lamang sya ay pinag pasa-pasaan na sya kung sino ang mag aalaga sa kanya mula ng magkahiwalay ang kanyang mga magulang.Sa tuwing na-ikwekwento nya sa akin ito ,Parang dinudurog ang aking puso.,Kumpara sa akin ,Buo ang Pamilya kong kinagisnan at mahal na mahal kami..
Nagkaroon sya ng Step-Mother sobrang malupit ito sa kanila ,Ang baon sa eskwela ay kailangan nilang pag hirapan magkapatid..Ang nakaklungkot hindi ito alam ng kanilang Ama..Sa tuwing magkakamali sila ,Walang humpay na palo ang ginagawa sa kanila,Kalaunan ay sabe nya sakin nasanay na lang sya na pinapalo sya nung bata pa hindi na nya iniinda ang sakit ,Sa bawat kwento nya sakin sa mga pinag daan nya nung bata pa sya di ko maiwasang umiyak dahil naawa ako sa kanya..Pero natapos din ang kanilang pag hihirap ng matuklasan ito ng kanilang Ama.
Panibagong Step-mother na naman ngayon ang kailangan nyang pakisamahan ,hindi man ito nangbubogbog ,Kung minsan naman ay pinagdadamotan sila..Kahit sa pagkain ,Kaya masyadong limitado ang kanyang galaw..Para syang nakakulong sa isang hawla.
Sa ngayon sa mga plano nalang namin sya nakatuon ,Pinapabayaan nalang nya ang Kanyang Step-mom...Pinapayuhan ko na lang din sya..Pinapalakas ko ang loob nya dahil alam kong mas kailangan nya ng taong iintindi sa kanya "Kulang man sya sa aruga dati ,pero ngayon makakaasa sya na at alam naman nya na Mahal ko sya at ng Pamilya ko..
Sa mga Step-Mother na malulupit at mapanakit ,Huwag naman po sana tayong ganon ,Kung di nyo po kayang ituring na parang anak kahit sana konsiderasyon na lang at huwag nyo ng saktan dahil sa bawat pananakit nyo dadalhin nila iyon hanggang sa pagtanda nila ,mga masasakit nilang Pinagdaan.