Mga katagang palaging sinasambit kapag nagkakamali ang isang tao.. Sorry, Sorry, Sorry... Sa bawat mali ay tinutumbasan natin ng salitang sorry' Pero ang nakakapanlumo sa bawat pagkakamali ay puro sorry lamang ang ginagawa diba dapat ang pagkakamali hindi na inuulit ulit pa, dahil kung sa bawat pagkakamali mo eh puro ka lang sorry at hindi ka nagbabago wala rin itong saysay.
Meron kase na kesio alam na madadaan ka lang sa isa sorry ay okay na ulit, umaabuso naman Sana kung mag sosorry kayo yung sincere at hindi paulit ulit samahan nyo na rin ng effort, effort na ipaparamdam nyo yung tunay na kahulugan ng sorry,.. Bumawi din kayo hindi puro sorry lang lalo na kapag alam nyong nagkamali talaga kayo. Lesson learned hindi lahat ng nag sosorry ay sincere yung iba nasanay na lang kase alam nila papatawarin mo ulit.