Sinungaling*

1 11
Avatar for Kimpot14
4 years ago

Sa inyo ba kapag pinaglihiman kayo diba ito ay nauuwe na sa pag sisinungaling., Naglihim ka para sa iyong sariling kapakanan pero may tao kang nasaktan dahil nagsinungaling ka sa kanya..

Tulad na lamang ng kwento ng aking Ate, Dalaga sya ng mapangasawa ang bayaw ko, Ang buong akala nya eh ganon din ang aking bayaw akala nya binata pa ito dahil yun naman ang sabi sa kanya at pinaniniwalaan nya yun hanggang sa nagsama na sila at nabuntis sya, Umuwe sila ng probinsya upang pormal na maka pamanhikan, Nasaktan ng lubos ang ate ko dahil nagsinungaling ang bayaw ko ito pala ay Kasal sa unang asawa at may dalawang anak, Yun ang pilit na katotohanan na itinago sa aking ate, sympre walang sekretong hindi nabubunyag kahit pilit mo pa itong pagtakpan... Wala na kaming magagawa ang mga magulang naman ay nagkasundo na nalang dahil hiwalay naman si bayaw sa una nyang asawa ang Problema lang ay Kasal ito. Sa ganitong pang yayare ay napkasakit diba kase yung taong pinagkatiwalaan mo Pinag sinungalingan ka lang, Pinag lihiman,... Pero ngayon nagsasama pa rin naman sila isa lang talaga ang anak nila ni ate ayaw na ni ate ang magdagdag pa dahil mahirap na daw, Wala syang habol dahil hindi naman sila kasal at para nalang sa bata,.... Mabuti na lang mabait ang magulang ni bayaw, Pabor sila palagi kay ate at pinapagalitan pa si bayaw kapag paloko loko ito.....

Ang hirap talagang mapag sinungalingan ka, Nagkakalamat yung relasyon na binuo nya dahil naglihim ka sa partner mo kaya sana maging open ang magkakarelasyon kahit ano pa yan magsabi ng totoo hindi yung papalalain muna sitwasyon bago umamin..

2
$ 0.00

Comments

Ang hirap at sakit naman ng nangyari sa kanya. Ate ko nakaranas din ng ganyan pero baligtad . Sya unang asawa hindi pa sila kasal. Nag kaanak din . ang hindi niya alam nkabuntis pala ang asawa niya at masama naipakasal doon ng wala syang kaalam-alam. Grabe akala niya hindi niya mkakaya yun. Pero salamat sa Diyos at nalagpasan niya ang pagsubok na yun.

$ 0.00
4 years ago