Salot'

1 8
Avatar for Kimpot14
4 years ago

Ito po ay opinyon lamang, Dahil bakit yung iba ay itinuturing na salot ang mga tomboy at bakla. Ano po ba ang ginawa nila sa inyo para masabing sila ay salot sa lipunan. Mga tao rin po sila na may damdamin, Nasasaktan lalo na kapag sinasabihang Salot lang kayo sa lipunan, Diba ang mga salot yung mga mamamatay tao, mga corrupt. Porket ganyan ang katayuan nila ay salot na, Intindihin din natin mga pinag dadaanan nila kaya huwag basta basta na lang magsalita na salot sila.

Minsan kung sino pa yung salot na sinasabi nyo sila pa yung mas may silbi at pakinabang sila din yung nakakatulong sa kapwa, Kaya imbes na magkukuda tayo ng salot, Magtulongan na lang at wag ng magsalita pa ng masasakit sa kapwa pare parehas lang tayong tao na nangangailangan ng respeto sa isat isa.

4
$ 0.00

Comments

Nuon pa man ganyan na talaga ang tingin ng iba. Kasi namulat tayo sa paniniwalang walang nilikhang ganyan kaya tinuring na hindi katanggap tanggap. Pero tama ka, tao silang may puso at kung tutuosin sila pang mas responsable at matulungin.

$ 0.00
4 years ago