Relasyon

0 24

Ang relasyon na "Away Bati" pamilyar ba kayo dyan? Lahat naman siguro tayo nakakaranas ng ganyan.

Sa una ang lahat ay napaka perpekto ,Masaya at masyado pang interasado sa isat-isa ,Pero bakit nga ba sa una lang talaga masaya ang isang relasyon? Habang tumatagal nagiging "away bati" na 'Pero ang mahalaga diba sa dalawang taong nagmamahalan di nila naisip na isuko ang isat-isa ,Nag aaway lang pero di "Maghihiwalay"

Madami na din akong naka-kwentuhan na mag asawa at magka sintahan at lahat naman sila ay dumanas din ng ibat ibang problema andyan ang selos,away kahit na sa maliit na bagay lamang.

Nasa inyong dalawa nalang talaga kung paano ito mareresolba ,Kanya kanya naman tayo ng diskarte kung paano natin mapapanatili ang kaayusan ng isang "Relasyon" oo mahirap pero kapag nangibabaw ang pagmamahalan ninyo sa isat isa lahat ng away at selos ,Mapapalitan ng saya..Kaya mas panatilihin natin ang isang relasyon na puno man ng problema ang mahalaga magkasama nyo itong nireresolba .

Para sa mga May Karelasyon ,Magmahalan kayo at wag mag mataasan ,Kung ikaw man ay nagkamali ,Mabuting umamin at humingi ng patawad dahil yun ang ikakabuti ng inyong relasyon.Huwag ng paabutin pa ng umaga kung kayo ay nagtatalo ,Wala naman kayong makukuhang medalya kapag may natalo sa inyo.Palagi nyong isipin na kayo ay nagmamahalan at kayong dalawa ay magkakampi at hindi magkalaban.


2
$ 0.00

Comments