Natatatawa ako na maiinis sa isusulat kong ito...Kase ba naman bakit kaya may mga taong Pina-utang mo ng lahat lahat eh kalaunan ikaw pa nagiging masama ,hindi lahat ha" pero meron talagang mangilan ngilan na ganyan ang pag uugali...yung tipong sa una ang bait bait kwento kwento tapos kapag nakuha na nila loob mo jan na papasok yung 'Manghihiram o mangungutang ...Okay lang naman mag pautang pero sana huwag tayong maging abusado kapag pinag bigyan tayo ng isang beses eh mahiya naman tayong mangutang ng mangutang ulit...
Isa pa idagdag pa natin dito...Kung sino pa ang nag pautang sila pa yung Maamong tupa na 'Nahihiyang maningil, take note --Sila yung Nahihiya ,Wow kumusta naman sa 'Nangutang o Pina utang mo? May beses na maniningil ka kase nga kailangan mo din pero minsan wala kang mapapala tapos ito pa may masasabe pa yan sayo kapag siningil mo kesio ,Ang aga nating maningil kesio kapos din sila...
Sana naman alam natin yung Obligasyon nating 'Magbayad ng utang Hano!! Poket di tayo sinisingil nung tao eh hindi na tayo mag babayad ,Magkusa po tayo lumapit sa kanila kase nung nangutang tayo ,Tayo din mismo ang lumipat sa knila ,Huwag masyadong makapal ang mukha...Magaling kang mangutang dapat magaling ka ding magbayad....Para naman matuwa sa inyo yung Pinag kakautangan nyo..
Sana din kapag siningil kayo ,Wag na kayong maraming sinasabi minsan nag kakaaway pa ,Kase in the first place kayo po ang unang lumipat at kayo ang Nangutang...
'Matutong magbayad ng utang para walang maging problema at mag pasalamat kayo sa Nag pautang sa inyo hindi yung kung ano ano pa sasabihin nyo matapos nyong mabayaran ang utang....'
marami ko kilala ganyan pinautang mona cla pa matapang kpg sisisngilin mo pero kw na ngpautang halos ayaw mona singilin kasi nahihiya ka baka anu sabihin hnd ko sinasabing wala ko utang pero nagkukusa ko mgbAyad Na my interest pa.