Nakakalungkot isipin na ang dami ngayong mga kabataan ang napapariwa ang buhay, Mga kabataan na hindi nakikinig sa payo ng magulang mga pariwara ang buhay dahil ang gusto sila na ang masunod na akala moy alam na nila ang lahat na akala ay magaling na sila.. Sayang nakakapang hinayang ang ibang kabataan na maagang napariwara ang buhay, Ang iba dahil sa impluwensya ng mga barkada ang iba naman ay nalulong sa droga, Sinasayang lang nila ang mga buhay nila kaya sa mga kabataan dyan, makinig kayo sa mga payo at sinasabi sa inyo ng magulang nyo sundin sila dahil ikakabuti nyo naman kung sila ay nag sesrmon yun ay dahil ayaw nila kayong mapariwara..
Itutuwid at itutuwid ang inyong pagkakamali ganyang ang mga magulang na gustong mapabuti ang anak... Ayaw nilang matulad sa iba na hindi natutokan ang bata kaya lumaking walang pakialam sa buhay at ang alam lamang ay bumarkada at magligalig... Kaya matutong sumunod at makinig upang hindi kayo maging pariwara, sayang ang buhay... Gamitin nyo ito sa makabuluhang bagay...
Tama ka, sa napa pansin ko sa panahon ngayon, madaming kabataan ang naligaw ng landas, maraming kabataan ang sinasayang ang gintong panahon na dapat sana ay ginagawang memorable ang bawat oras na lumilipas. Marahil naligaw sila ng landas dahil sa impluwensiya ng iba? Marahil dahil sa droga na hanggang ngayon ay ating binubuno ang produksiyon neto sa ating bansa? O siguro ang iba ay hindi na nagabayan ng ibang mga magulang ang kanila kanilang mga mahal na anak sa tamang landas na dapat sa kanila ay ipatahak. Sa panahon ngayon nawawalan na nang saysay ang kasabihang "Kabataan ang Pag-asa ng Bayan".