Online seller'

0 3
Avatar for Kimpot14
4 years ago

Naranasan ko na din maging online seller hindi rin madali at hindi rin madaling kumita kung minsan pa nga ay mag aabuno ka pa, isama mo pa ang mga pasaway at bogus buyer mga pareserve reserve pa tapos ang ending hindi naman nila kukunin. Oo nga po at cellphone lang ang aming dinodotdot pero hindi rin po ito madali, puhunan at pasensya din dito ang pinag uusapan.. kaya walang bastusan sa mga online seller kase iba iba naman eh may mga scammer talaga meron namang legit din..

Kaya bago kayo mag order siguraduhin nyong legit at mapapagkatiwalaan, At isa pa wag nyo naman paglaruan ang mga nag oonline selling na magpapareserve tapos hindi kukuhanin tapos meron pang mag oorder nga tapos i cacancel naman nag aabuno din po kaming mga online seller dyan, saka hindi naman po isang bagsakan eh malaki na agad kikitain, Kaya respeto na lang din sa nag titinda dahil gusto lang namin magtinda ng maayos saka wag ng baratin ng baratin ang paninda at wag ding pintasan lalo na kung hindi ka naman bibili..

1
$ 0.00

Comments