Nobyo💕

0 6
Avatar for Kimpot14
4 years ago

Isusulat ko ito kahit alam kong malabo mo itong mabasa..Alam kong busy ka ngayon kaya idadaan ko na lang sa pag susulat..

Anyway Happy 15th month of love in advance ,Para ito bukas😊 Tutal naman mahilig ako mag long message sayo bakit di ko dito idaan yun makaka earn pa ako ng points.

Gusto ko lang naman magpasalamat sayo dahil pinapatunayan mo sakin araw araw na tama ang naging desisyon ko na ikaw ang pinili ko.Masyado kang nagpupursigi para sa future natin at nagpapasalamat ako doon. Salamat sa mga sakripisyo mo.

Araw-araw kong ipinapanalangin na nawa eh palagi kang nasa mabuting kalagayan.Hindi ako magsasawang mahalin ka at iparamdam sayo kung gaano kita kamahal.Sana huwag kang magsawang intindihin ako.

Ginagawa ko naman lahat para masuklian ang pagmamahal mo sakin.Ang sarap sa pakiramdam na legal na tayo both side..Basta palagi kang mag iingat 'Mahal na mahal kita💕

*Renzo&Kim*

1
$ 0.00

Comments