'Mapag-panggap'

0 28

Karamihan sa mga tao ngayon ay 'Mapag panggap' Ayaw magpaka totoo, Bakit? Mahirap ba magpaka totoo sa kapwa.?

Alam kong lahat tayo ay nakakasalamuha ng mga taong 'Mapag panggap' Ang iba dyan akala mo eh nagmamalasakit sa iyo pero hindi mo alam kumukuha lang ng impormasyon sayo upang magamit laban sayo.

Mga taong Mapag panggap walang ibang ginawa kundi ang mag bait baitan sa kapwa kahit hindi naman iyon ang kanilang tunay na pagkatao.Kunwari eh gusto kang maging matalik na magkaibigan ,Magiging mabait sayo sa una at mangkakalap ng impormasyon sympre ikaw naman magtitiwala ka kase nga mabait sayo ,'Akala mo'y may pakialam sayo ang hindi mo alam ikaw pala ay sinisiraan na sa iba upang sya ang maging magaling sa paningin ng iba.

Wala naman tayong mapapala sa 'Pag papanggap na iyan ,Kaya huwag tayong 'magpanggap' Kung ano man ang meron tayo sa buhay ay ipag pasalamat na lang natin ito.Hindi iyong makikipag sabayan ka sa mga sosyal para lang matawag n high class ka.

Ang mga taong 'Mapag panggap 'ay maihahalintulad sa isang "Duwag" dahil hindi mo kayang 'Magpakatotoo sa kapwa mo man o maging sa iyong sarili.

Ipakita mo kung sino ka ,Ng sa ganon ano man ang mangyare ang mahalaga pinakita mo yung totoong ikaw na walang halong pandaraya sa kapwa at walang halong pag papanggap.

2
$ 0.00

Comments