Lalamove"

0 6
Avatar for Kimpot14
4 years ago

Share ko lang experience ko sa Lalamove first time namin mag book ng asawa ko kase need namin magpalit ng phone eh nasa Cavite sya hindi sya makauwi dito sakin dahil mahirap mag commute... Nagbook sya at naidiver ang package ng maayos sakin, kinontrata ko yung driver ng lalamove na kung pwede balik sya ulit kase may papa deliver din ako pabalik sa asawa ko, kaya lang pagod na daw sya kaya sinabihan nya ako na bukas na lang wag na daw ako mag book sa lalamove kase sya na mismo mag pick up dito.... Ganon lang naging usapan namin.. nung una nag alangan ako dahil baka di sya tumupad sa usapan pero ok lang din naman kase pwede ako mag book, at ayun na nga nagtext si manong driver at pipick upin daw nya parcell ko, salamat naman at maayos syang kausap kaya binigyan ko ng tip, Mabait din kase di nya kami niloko kase pwedeng itakbo na lang nya yung parcell kase di namn yun naka book sa lalamove, Yung tiwala ang Pinag uusapan dito...Nakakatuwa dahil mapapagkatiwalaan sya, Nag pa alala pa sya sakin kase sabi ko text nya ako kapag na drop na nga items ko, Nag pa alala pa sya na Hindi lahat ay mapapgkatiwalaan kase yung iba bogus itatakbo na items mo lalo na at hindi naka book sa lalamove, Wala kaming magiging habol doon...

First experience namin ng asawa ko sa lalamove ay maganda kase ang driver ay mabait nakakatuwa dahil meron pa rin mangilan ngilan na mapapagkatiwalaan....

Salute to Manong Driver ng Lalamove.. Ipagpatuloy nyo lang po ang pagiging mabait at lahat ng iyan ay masusuklian din ng kabutihan...

1
$ 0.00

Comments