Kaya ko ba?

0 9
Avatar for Kimpot14
4 years ago

Kaya ko na ba?Ang umalis at iwanan ka?Kaya ko na ba?Ang lumayo at mabuhay ng wala ka? Na aalala ko pa, bago pa lang ako nuon At walang kilala. Mag isa sa sulok at laging tulalaIniisip kung papano ko ba makakaya ng walang kasama. Ngunit nagparamdam ka,Mundo ko'y nag iba.Binigyan ng kulay ang buhay kong malumbay,Nilagyan ng ngiti ang labi kong laging pipi,Nagkaroon ng lakas ang puso kong hapis at puno ng kupas,Biglang sumaya at lagi ng tumatawa. ilang buwan rin yun, ilang araw at oras,Hindi ko nga mabilang kung ilang beses tayung magkasa,Tila walang pakialam kung tayu lang dalawaAng alam ko nuon, masaya ako kasi kasama kita. Ngunit, mapag laro nga ang tadhana,Ang dating ngiti ay napalitan ng luha,Ang dating tawa ngaun ay wala ng sigla,Ang dating tayo ngayon ay wala na. Oo. Maaring ang TAYO nuon ay Hindi na tulad ngayon, Ngunit ang mahalaga, Mahal natin ang isat isa. Andyan ka, andto ako.Yung tayo ay nagkaroon ng bago,Bagong mukha at bagong ehemplo,Ms masaya, mas makulay, Mas higit at walang kapantay. Alam ko naman, lahat ng ito ay pagsubok langAng tanong ko,kng kaya ko na ba??Ay mananatiling tanong n walang kasagutansapagkat mundo ko ay gugunaw kung ako man ay lilisan.

2
$ 0.00

Comments