Ang iba sa atin ay lumaking marangya ang pamumuhay, lumaking merong mga bagay na wala ang iba, Maswerte kayo dahil hindi nyo dinanas ang hirap maging mahirap, Pero hindi ibig sabihin na mayaman ka o lumaki kang marangya ang pamunuhay ay perpekto na ang lahat. Kalimitin sa mayayaman nawawalan na ng oras sa kanilang anak dahil puro negosyo na lamang ang inaasikaso nila pero par rin naman ito sa mga anak nila pero sympre ang anak ay mag hahanap ng kalinga ng magulang,. Magulang na palaging andyan para sa kanila.
Kaya hindi pa rin maituturing na sobrang swerte ang mapabilang sa karangyaan tulad natin may kanya kanya at ibat ibang istorya din tayo, Minsan ninanais natin ang bagay na meron sila at sila naman ninanais ang bagay na meron tayo. Ang mahala hindi tayo nang aapak ng ating kapwa alam natin ang limitasyon.
Madalas sa minsan hindi karangyaan ang sagot upang maging maligaya ang isang tahanan. Meron diyan na may kaya pero hindi buo ang pamilya. Meron na na hikahos ang buhay pero magkakasama ang kapatid at nanay at tatay.